Lalaking 'wanted' kay SexBomb Dancer Sunshine Garcia lumantad na: 'Thank you sa mga nag-tag sa akin' | Bandera

Lalaking ‘wanted’ kay SexBomb Dancer Sunshine Garcia lumantad na: ‘Thank you sa mga nag-tag sa akin’

Ervin Santiago |February 28,2023
facebook
share this

Lalaking ‘wanted’ kay SexBomb Dancer Sunshine Garcia lumantad na: ‘Thank you sa mga nag-tag sa akin’

Ervin Santiago - February 28, 2023 - 03:51 PM

Lalaking 'wanted' kay SexBomb Dancer Sunshine Garcia lumantad na: 'Thank you sa mga nag-tag sa akin'

SA wakas, natagpuan na ang lalaking hinahanap ng dating SexBomb Dancer na si Sunshine Garcia, na na-meet niya sa isang furniture store.

Ito’y matapos ngang ipahanap ng actress-dancer ang naturang male employee sa kanyang social media followers bilang pagtupad sa kanyang naipangako sa guy.

Nag-viral ang panawagan ni Sunshine sa Facebook simula nang ipost niya ang mga litrato nila ni Ivan Dominique Calma na na-meet nga niya sa binisita niyang furniture store kamakailan.

Ang chika ng aktres at original SexBomb Girls member, gustung-gusto raw magpa-selfie sa kanya ni Ivan pero wala itong dalang cellphone nu’ng mga oras na yun.

Bawal daw kasing magbitbit ng telepono sa trabaho kaya naman si Sunshine na ang nagsabing siya na ang kukuha sa kanila gamit ang kanyang cellphone at ipapadala na lang niya ang pictures nila sa lalaki.

Ang problema, hindi nakuha ni Sunshine ang contact number ng lalaki, kaya noong Biyernes, nanawagan si Sunshine via Facebook para matunton ito.

Sey ni Sunshine sa kanyang FB post, “HELP PLS. Gusto magpa pic ni kuya pero wala syang celfone bawal sa work sabi ko Sige ako na magpicture isesend ko sayo hindi pala kami closed.

“Kaya kung sino man nakakakilala sa kanya pakitag na lang please baka sabihin nya Jinojoke ko sya,” aniya pa kalakip ang selfie nila ng empleyado.

In fairness, talagang tumulong ang mga FB followers ni Sunshine sa paghahanap kay Ivan. Pati nga ang BANDERA ay ibinalita ang request na ito ng aktres.

At kahapon nga, February 27, Lunes, ay nakarating na kay Ivan ang mga selfie photos nila ni Sunshine.

Sey ng furniture staff, nakarating ito sa kanya dahil sa pagta-tag sa kanya ng mga netizens kaya naman todo-todo ang pasasalamat niya kay Sunshine.

Kuwento niya sa naging takbo ng pag-uusap nila ni Sunshine, “Guz/sto ko po sana magpapicture kaso po yung phone ko nasa counter bawal po gamitin on duty. Next time na lang kapag may pagkakataon po ulit.”

Tugon naman daw ni Sunshine sa kanya, “Dito na lang sa phone ko send ko na lang sa iyo bigay mo Viber mo.”

Pagpapatuloy pa ni Ivan, “Sa saya ko nakalimutan ko ibigay yung Viber account ko and hindi siya agad agad makabalik sa branch dahil po sa sobrang busy po siguro nila ni Vice Gov. Alex Castro sa work para tumulong sa mga tao.”

Mensahe naman niya sa mga FB followers ni Sunshine, “Thank you sa mga nag tag sa akin para makarating sa akin ang post na ito, appreciate it all so much!”

Related Chika:
Lalaking nagtatrabaho sa furniture store ‘wanted’ kay Sunshine Garcia: ‘Help please…’

Sexbomb Aira na-bash ng fans ni Britney Spears dahil sa paandar na dance video

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunshine Garcia, Alex Castro excited na sa kanilang 2nd baby

SexBomb Aira balak manirahan sa Australia, handa nang iwan ang showbiz?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending