Rochelle: Naramdaman kong superstar ako, dami uli nagpapa-picture
TUWANG-TUWA ang Kapuso actress at dancer na si Rochelle Pangilinan na marami na uling nagpapa-picture sa kanya kapag lumalabas siya.
Iyan ay dahil sa tinatamasang tagumpay ng hit Kapuso series na “Pulang Araw” na pinagbibidahan nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez at David Licauco.
Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, patuloy pa ring nakatatanggap ng mg papuri si Rochelle dahil sa napakahusay na pagganap niya bilang si Amalia Dimalanta-Torres o Tiya Amalia.
Sa kanyang Instagram page, may appreciation post ang Kapuso actress para sa lahat ng nagbabahagi ng magaganda at positibong comments sa kanyang acting. Ipinost pa niya ang screenshots ng ilan sa mga ito.
Baka Bet Mo: Diwata todo-‘snub’ sa fans, lumala raw ang paging suplada at mayabang?
“Thank you sa mga pangmalakasang feedback!” message ni Rochelle.
Aniya pa, “Naramdaman ko na superstar ako haha dami ulit nagpapa-picture and iba’t ibang generations!”
View this post on Instagram
Ilan sa mga nag-trending at nag-viral na eksena ni Rochelle sa “Pulang Araw” ay ang kanyang pagiging abusadong tiyahin, nang gahasain siya ng mga sundalong Hapon at maging comfort woman.
“Kapit lang kayo sa mga susunod pang mga eksena. Suportahan pa po natin ang ‘Pulang Araw!'” dagdag pa ng aktres.
Samantala, ang “Pulang Araw” din ang magiging kauna-unahang TV series ng Pilipinas na ipadadala sa buwan sa pamamagitan ng Lunar Codex’s time capsule.
Kasama ito sa Polaris collection, na ipadadala Lunar South Pole region ng buwan sa 2025.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.