Diwata 'snub' sa fans, lumala ang paging suplada at mayabang?

Diwata todo-‘snub’ sa fans, lumala raw ang paging suplada at mayabang?

Reggee Bonoan - August 24, 2024 - 09:29 AM

Diwata todo-'snub' sa fans, lumala raw ang paging suplada at mayabang?

PHOTO: Screengrab from Facebook/KuysCharlieboi

YUMABANG na nga ba si Diwata? Ang pares vendor na sumikat dahil sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Ordinaryong tindero ng “Pares Overload” sa Pasay City si Diwata at dahil masarap daw at mura ay dinudumog ito ng tao at dahil dito ay na-curious marahil ang caster ng Batang Quiapo at ibinulong kay Direk Coco Martin kaya binigyan ng oportunidad sa nasabing serye.

Napanood namin ang mga eksena ni Diwata na ang karakter ay tindero rin ng pares kung saan madalas kumain sina Tanggol (Coco) at Bubbles (Ivana Alawi) pagkatapos ng trabaho nila sa club na pag-aari ni Nino Muhlach.

Hanggang sa na hold-up si Diwata at nalimas ang puhunan kaya kinuha na siya ni Bubbles para makatulong sa lola niyang may karinderya sa tapat ng bahay nila hanggang sa naging kaibigan na.

Biglang sikat si Diawa dahil sobrang dami na ng nagpapa-picture sa kanya sa pwesto niyang paresan sa Pasay City na pati mga kilalang may-ari ng beauty products ay naki-ride na rin sa kasikatan niya at binigyan ng kung anu-ano para mabago ang buhay niya.

Baka Bet Mo: Diwata: Kahit tulog na, may kakatok ng 2 a.m. para lang magpa-picture

Sa kasalukuyan ay hindi na napapanood si Diwata sa Batang Quiapo dahil tsugi na si Ivana kaya wala na rin sigurong dahilan para manatili pa ang karakter ni Diwata kasama na rin ang gumanap na pinsan ng aktres na si Nikko Natividad at iba pang kasama nila.

Anyway, maraming netizens ang nagrereklamo na kay Diwata dahil napakasuplada na raw nito at hindi man lang ngumingiti kapag may mga nagpapa-picture sa kanya at may nag-post din ng video na nakaupo siya at nakatingin sa cellphone habang may mga nagpapa-picture sa kanya.

Walang pakialam si Diwata sa mga taong nagpa-picture sa kanya ni hindi nga niya tiningnan man lang hanggang sa umalis na ang mga ito.

@capiztrends2017 Diwata di man lang tumingin sa Camera nung nagpa picture ang mga galing pa sa Capiz at Iloilo #diwataparesoverload #Diwataissue #diwata ♬ original sound – Ilonggo ta ya! – Probinsyanong Ilonggo

At ito rin ang report ng “Showbiz Update” nina Ogie Diaz, Mama Loi kasama si Tita Jegs na tinitira na si Diwata.

“Hindi naman na raw ganu’n kalakas ang kanyang pares overload, e, ganu’n pa rin daw ang asta, suplada na hindi naman daw kagandahan, nanunuplada pa.

“Yung isang grupo magpapa-picture sa kanya galing pa ng Iloilo (sabay pakita ng video) na kahit hindi showbiz kapag customer dapat i-entertain mo,” kwento ni Ogie.

Susog naman ni Mama Loi, “Siyempre as a business owner kailangan nating mag-PR.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil sa ugaling ito ni Diwata ay hindi na raw malakas ang pares overload niya dahil sa iba na raw kumakain ang mga dati niyang suki.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Diwata sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending