MJ Lastimosa damay sa isyu ni Small Laude

MJ Lastimosa damay sa isyu ni Small Laude; proud sa Taiwan Killer Hospital

Ervin Santiago - December 21, 2024 - 12:28 PM

MJ Lastimosa damay sa isyu ni Small Laude; proud sa Taiwan Killer Hospital

NALOKA ang actress-host at former beauty queen na si MJ Lastimosa nang malamang nadadamay pala siya sa iskandalong kinasasangkutan ng isang celebrity couple.

Isa si MJ sa mga nababanggit ng netizens sa mainit na isyu tungkol sa social media personality na si Small Laude, ang asawang si Philip Laude, at ang umano’y other woman nitong si Precious Mae Larra.

May mga kumalat kasing screenshots sa socmed hinggil sa pagloloko umano ng mister ni Small Laude kung saan mababasa ang initials na “MJ.” Kaya naman ang hula ng marami ang tinutukoy na “MJ” ay si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang beauty queen-actress sa presscon at premiere night ng Metro Manila Film Festival 2024 entry nilang “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” nitong nagdaang Huwebes, December 19, sa SM Megamall.

Baka Bet Mo: Maine Mendoza, MJ Lastimosa sinorpresa si Maja ng bonggang baby shower

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Takang-taka ang dalaga kung bakit siya nadamay sa issue ng married life ni Small Laude, “Wala akong encounter with them. Yung first and last encounter ko with them was in LA (Los Angeles) nu’ng na-invite ako sa mansion nila. Pero after that, wala naman.

“Bakit, anong nangyari? Pinagselosan ako? Ano ba kasi ang ginawa ko?” ang natatawang chika pa ni MJ.

Nang sabihin sa kanya na inilarawan pa ang “MJ” sa naturang post na “maitim” at “dugyot”, mas nawindang ang aktres,  “Hoy, grabe naman yung maitim! Kahit maitim, hindi ko siya ikinahihiya. Kaya nga nagbi-beach pa ako para umitim pa lalo!”

Sey pa niya, “Ako ba talaga? E, hindi naman kami magkakilala. Sure ba kayong ako yun? Baka mamaya naman… o baka may mga relationship din na mga selosa lang talaga yung partner.”

Patuloy pa niya, “Actually, iba yung tina-tag sa akin, yung may Mary Jane Veloso, tapos yung picture ko yung nilagay. ‘Welcome home Mary Jane’, tapos picture ko! Ha-hahahaha!”

Ang “Mary Jane Veloso” na sinasabi ni MJ ay ang Pinay na nakulong ng 14 taon sa Yogyakarta, Indonesia, dahil sa kasong drug trafficking.

Nasintensiyahan siya ng bitay sa pamamagitan ng firing squad pero nabigyan .g temporary retrieve noong 2015. Last December 18, nakauwi na si Mary Jane s Pilipinas.

Samantala, super proud si MJ na nakasama siya sa MMFF 2024 official entry na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” produced by Dondon Monteverde, Erik Matti at Enrique Gil na kasama rin sa pelikula.

Kasama rin sa movie sina Alexa Miro, Jane de Leon, Rob Gomez, Raf Pineda, at Zarckaroo.

“Sobrang nakakatuwa itong film na ito, kasi hindi siya directed by, di ba? It’s a meta horror. So, talagang gina-guide lang kami na, ‘Ito sana yung gusto naming gawin niyo, pumunta kayo sa floor na ito,’ ganyan.

“Pagdating namin du’n, kami na lang, e. Flashlight at yung camera lang yung baon ko, parang wala talagang crew na nagsasabi sa amin. Alam mo yung pag nagsu-shoot ako, naaalala ko talaga yung first MMK ko.

“Pinaulit-ulit ako ng rampa, kasi rumarampa daw ako, hindi raw ako naglalakad. E, kasi ganu’n yung lakad ko.

“Ito, walang take 2, walang take 3. Pagpasok namin du’n, kung ano ako, ako na talaga yun. Kung ano yung reaction ko pag natakot ako, yun talaga yun.

“It’s a film but, at the same time, totoong-totoo siya. Reality siya at the same time. Iyon yung I think mas kaabang-abang,” dugtong niya.

Iikot ang kuwento ng “Taiwan Killer Hospital” sa barkadang nag-ghosthunting sa ibang bansa.

“Napakaganda nu’ng experience na nagkaroon muna kami ng fun nights bago kami sumugod sa Xinglin Hospital. Kasi doon, medyo nag-warm up na. Nakilala namin yung isa’t isa. Nakapagkuwentuhan na ng mga personal life.

“Kasi individually, iba-iba talaga yung mga experiences namin. Although ako naman, na-train na rin naman talaga ako to be thrown at a situation na ako na lang mag-isa.

“Siyempre sa Miss Universe, I have to do my own hair and make-up. Pumunta ako sa ibang bansa, iba-iba yung lengguwahe ng mga taong nakakasama ko.

“So it’s nothing new, but this time it’s a different scenario in a sense na may content kaming gagawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And eto talaga, yung takot ko, hindi ko akalain na totoo! Kasi hindi ko naman in-expect na papasok ako sa isang place at mag-isa lang ako! Tapos in the middle of the night na parang, hahhh, yung mga iyak, talagang totoong-totoo yung iyak.

“Kasi siyempre it’s not, you know, it’s not usual to be na place na totoong haunted at hindi mo alam kung ano ang ie-expect mo. So yung ano, parang survival and, at the same time, napakabuting tao rin naman yung mga nakasama ko,” chika pa ni MJ.

Showing na ang “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” sa December 25, bilang bahagi ng ika-50 edisyon ng MMFF.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending