Ama ni Small Laude pumanaw na: Heaven gained an angel
NAGLULUKSA ngayon ang pamilya ng kilalang vlogger at socialite na si Small Laude matapos pumanaw ang kanilang ama na si Andres Antonino Eduardo ngayong araw, January 31.
Ang malungkot na balita ay ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang Instagram story.
Isang video ang kanyang ipinost kung saan magkatabi sina Small at ang kanyang ama na nakaupo sa hapagkainan habang nagkukulitan at nagtatawanan.
“I miss you so much [broken heart emoji],” saad niya sa unang IG story.
Baka Bet Mo: Small Laude bongga ang regalo sa kasambahay, tutulungang bumili ng house and lot
View this post on Instagram
Pagpapatuloy ni Small, “Heaven gained an angel. Rest easy daddeh.”
Isa sa mga nagbigay sigla sa mga vlogs niya ang makulit at paiba-ibang mood ng kanyang ama sa tuwing nahahagip ito ng kamera.
Maging ang mga netizens ay “daddeh” na rin ang tawag sa ama ni Small sa tuwing magko-comment sila tungkol rito.
Base sa inilabas na art card ng vlogger-socialite ay sa Sabado, February 1, magbubukas ang viewing para sa mga kaibigan at kaanak.
Ito ay magtatagal hanggang Martes, February 4.
Ililibing naman ang ama nina Small, Alice, at Melba sa Miyerkules, February 5, sa Heritage Memorial Park, Taguig City.
Pakikiramay para sa naulilang pamilya ni Ginoong Eduardo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.