Small Laude bongga ang regalo sa kasambahay, tutulungang bumili ng house and lot
TALAGA namang bongga angkilalang socialite at vlogger na si Small Laude dahil pasabog ang kanyang regalo sa isa sa kanyang mga angel o kasambahay na si Lotlot.
Sa kanyang latest vlog na ibinahago sa YouTube ay mapapanood ang pag-uusap ng dalawa patungkol sa kanyang surpresa sa matagal nang angel.
Nangako kasi si Small na tutulungan niya ito para mabili ang kanyang pangarap na house and lot para sa pamilya.
“Ma’am, kahit lupa lang sa iyo, akin na yung bahay. Okay na po ako doon,” saad ni Lotlot habang umiiyak.
Baka Bet Mo: Asawa ni Small Laude na-expose, may iba nga bang babae?
View this post on Instagram
“Tutulungan kita bumili ng house and lot. Lotlot, alam mo tuwing nagki-clean ka sa room ko umiiyak ka… Bakit ka umiiyak?”
Sagot ni Lot, “Kahit maliit lang po [na lupa], okay na po sa akin.”
“Hindi kahit malaki,” sabi naman ni Small. “Bakit magkano ba ang lupa?”
“Half million, ma’am, may lupa ka na,” sagot ni Lotlot.
“Ay ang mura. O, sige, maghulugan ka pero bayaran mo hindi ako,” biro pa ni Small.
Segurista naman si Lotlot at sinabing kukunin agad ang lupa sa oras na makabalik sila ng Pilipinas.
“Dream ko ‘yang house and lot talaga, ma’am, promise. Mawala man ako, may maiiwan ako sa mga bata. Ma’am, kukunin ko na po talaga ‘yon, ma’am? Pag-uwi ng Pilipinas?” sey ni Lotlot.
Umoo naman si Small sa tanong ng kanyang angel.
Maging ang kanyang asawang si Philip ay nangako kay Lotlot na sagot niya ang Disneyland trip ng mga anak ni Lotlot.
Para sa mga hindi aware, ang kasambahay ni Small na si Lotlot ay isang single mom na may dalawang anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.