Small Laude nang makita ang ama sa morgue: Ang sakit, grabe!

Small Laude at Andres Antonino Eduardo
HABANG ipinagdarasal ni Small Laude na sana’y humaba pa ang buhay ng kanyang amang may karamdaman ay natanggap naman niya ang balitang pumanaw na ito.
Ibinahagi ng socialite at content creator ang mga huling araw ng namayapang ama na si Andres Antonino Eduardo na talagang hinintay ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas bago namaalam noong January 31, 2025.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang pagkamatay ng pinakamamahal na ama at lubos pa rin ang kanyang nagdadalamhati.
Sa bagong vlog ni Small sa YouTube, ikinuwento niya ang araw nang makausap niya ang ama noong nagbabakasyon siya sa Los Angeles sa Amerikano.
Nag-video call ang ate niyang si Alice Eduardo at doon niya ang ama sa ospital habang nilalagyan ng I.V. at kitang-kita raw niya ang paghihirap nito.
Baka Bet Mo: Juliana Gomez nagtapos ng cum laude, Richard, Lucy super proud parents
Ngunit kahit hirap na hirap sa kanyang sitwasyon ay nakapagsalita pa rin ang tatay niya, “Small, nasaan ka ba? Wag ka muna kumain.”
Patuloy pa niya, “Sabi ng doctor, ‘Small, you have to come home and call na everyone.’ Sobra akong shocked. Sa last vlog ko, sobrang saya pa ni Daddeh. Yun ang last na usap ko sa kanya.
View this post on Instagram
“Sabi ng doctor, baka di ko na maabutan si Dad. I said, ‘No!'” ani Small na agad nagdesisyon na bumalik na ng Pilipinas.
“We booked the first flight out for Manila. 18 hours. It was the longest flight of my life. I was praying to God, ‘Lord, I just want my dad alive. Lord, maabutan ko lang si Dad,'” aniya pa.
Dumiretso na sa ospital si Small pagdating ng airport, “All my siblings, they were all there. I cannot believe. Sina Ate was crying.
“The doctor said, ‘You really have to say everything.’ I was expecting mauuwi pa namin ang dad sa house. I was praying, ‘Can you give him several months pa or a year?’ Kasi gusto ko pa mag-bond with my dad,” pahayag pa ni Small Laude.
Ngunit noong araw ding iyon ay namaalam na nga ang kanyang tatay, “My dad waited for me. After one and a half hours, nag-pass on na siya. I really can’t accept that.”
Mismong siya rin ang naghanda sa funeral service ng ama sa Heritage Memorial Park sa Taguig City kasama ang kapatid na si Alice.
“When I saw my dad on the table, wala siyang shoes and everything, that’s the time I realized dad is gone,” ani Small.
“It was the most painful and most traumatic for me. Ang sakit, grabe.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.