Asawa ni Small Laude na-expose, may iba nga bang babae?

Asawa ni Small Laude na-expose, may iba nga bang babae?

Therese Arceo - December 18, 2024 - 02:40 PM

Asawa ni Small Laude na-expose, may iba nga bang babae?

HOW true ang kumakalat na chika sa internet na diumano’y may ibang karelasyon ang negosyanteng si Philip Laude, asawa ng kilalang vlogger na si Small Laude?

Mukhang ito ang taon ng labasan ng screenshot dahil isang babae ang naglabas ng mga resibo sa pamamagitan ng isang Instagram posts ng diumano’y conversation ng negosyante sa kanyang “girlfriend”.

Ang naturang netizen na naglabas ng mga screenshot ay nakilala sa IG username niyang “preciouslarra_su” kung saan makikita ang pakikipagpalitan ng asawa ni Small ng mensahe sa diumano’y kanyang karelasyon.

Agad ngang nag-trending sa X (dating Twitter) ang screenshot mg umano’y messages ni Philip Laude sa kanyang ibang babae na tinatawag niyang “love”.

Baka Bet Mo:Small Laude dismayado sa isang airline company: ‘It ruined our family vacation!’ 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Base rin sa mga mensahe umano ni Philip, hindi na siya masaya sa relasyon nila ni S na sinasabi ng netizens na si Small at matagal na nitong gustong makipaghiwalay.

Iniisip lang daw nito ang kanilang mga anak at ang reputasyon nila sa Chinese community.

Sa ngayon ay deleted na ang post ni @preciouslarra_su sa Instagram pero dahil mabilis ang mga netizens ay agad nitong na-save ang screenshots ng messages na mula umano sa asawa ni Small.

Sa ngayon ay hindi naman matukoy kung naka-deactivate ang social media ni Philip dahil hindi na ito ma-search.

Marami naman sa mga netizens ang nag-iisip kung totoo nga ba ang chikang ang asawa ni Small ang nagpadala ng messages dahil medyo off raw ang sentences.

“Totoo ba na si Philip Laude ito? Bakit straight siya magtagalog?” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Baka kaya may lumalabas na screenshot kaso may picture siya kay Rose ng BlackPink.”

“i don’t know why people are so surprised that he speaks in straight tagalog? besides, didn’t small laude say in toni gonzaga’s interview na malapit na sila maghiwalay recently?” hirit naman ng isa.

Samantala may isang netizen naman ang nagsabi na kamakailan ay nakita pa niya ang kilalang vlogger kasama si Phil at ang mga anak nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Saw Tita Small Laude and Tito Philip Laude outside sa isang establishment with their kiddos!! Mukhang okay sila. Kaya sure ako fake news lang yung mga screenshots na yun!!!”

Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na statement ang Laude Family hinggil sa isyu.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Small at Philip hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending