Richard nag-react na matapos bansagang ‘cheaters’ ang ‘Incognito’

Richard nag-react na matapos bansagang ‘cheaters’ ang cast ng ‘Incognito’

Pauline del Rosario - January 17, 2025 - 11:18 AM

Richard nag-react na matapos bansagang ‘cheaters’ ang cast ng ‘Incognito’

PHOTO: Instagram/@richardgutz

“SANA ingatan nila ‘yung mga words nila.”

‘Yan ang naging sagot ng aktor na si Richard Gutierrez matapos i-open up ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang tungkol sa pamba-bash sa latest action series na “Incognito.”

Kamakailan lang, naging guest ni Ogie ang aktor sa YouTube episode na “Ogie Diaz Inspires” noong January 16.

Isa mga mga diretsahang tinanong ng talent manager at vlogger ay ‘yung reaksyon ni Richard sa kumakalat na komento na nagsama-sama raw sa nasabing serye ang “cheaters.”

May mga mababasa pa nga sa social media na dapat “The Cheaters” ang naging titulo ng latest project, imbes na “Incognito.”

Baka Bet Mo: Arjo ka-join sana sa ‘Incognito’ nina Daniel at Richard, anyare?

Usisa ni Ogie, “Hindi ba kayo napikon doon sa isyung nagsasama raw ang mga cheaters?”

Sagot sa kanya ni Richard: “Alam mo, ‘yan ang hirap sa internet. Actually, ang daming fake news. ‘Yung ibang tao, may masabi lang ‘di ba.”

“Hindi naman nila alam ang bawat kuwento ng nangyari,” wika pa ng aktor.

Patuloy niya, “Gusto lang nilang mag-trending. Naiintindihan ko naman na ‘yung mga tao ngayon very active sa social media, pero sana siyempre, ingatan din nila ‘yung mga words nila, ‘yong mga sinasabi nila.”

Chika pa niya, “Pero ako honestly, hindi ko na rin masyadong pinapansin o pinapaapekto sa akin ‘yung mga ganun. Kasi ‘yung mga taong kilala ko, ‘yung pamilya ko, ‘yung kaibigan ko, alam naman talaga nila ‘yung totoo at alam nila kung sino ako.”

Bandang huli ng interview, may mensahe si Richard sa publiko, lalo na’t talamak sa panahong ito ang fake news.

“Sa panahon ng social media ngayon, ako personally pinagdaanan ko rin ‘yan. Hinusgahan ka o na-judge ka dahil sa fake news, dahil sa maling pagsusulat,” bungad niya.

Sambit ng action star, “Siguro ang advice ko rin sa mga tao, huwag tayong magpapaniwala sa lahat ng mga nababsa natin sa Facebook or kung saan mang social media accounts. Siguro mas maganda kung mag-verify muna tayo, alamin natin kung totoo ba ito.”

“Kasi ngayon, at this point, parang kahit ano pwedeng ilabas sa social media, lahat pwedeng isulat na wala namang katotohanan. Ang daming fake news at ang daming  fake articles na sana tayo ay maging responsible din tayo na hindi agad maniwala na make sure muna natin kung totoo ba itong kwentong ito,” aniya pa.

Kamakailan lang, pinabulaanan ng Kapamilya star na si Barbie Imperial ang dahilan ng pagkawasak ng relasyon nila ni Sarah Lahbati.

Ayon kay Richard, walang kinalaman at all ang aktres sa paghihiwalay nila ng kanyang estranged wife, tulad ng napapabalita.

Samantala, Ang “Incognito” ay mapapanood na simula ngayong araw, January 17 sa Netflix kung saan mas nauuna ito ng tatlong araw sa premiere ng Kapamilya network.

Bukod kay Richard, tampok din sa serye sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Daniel Padilla.

Ang kwento nito ay iikot sa isang undercover cop na kailangang pasukin ang buhay ng isang ordinaryong babae upang alamin kung siya nga ba ang isang mapanganib na top criminal. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kalaunan, natuklasan na hindi hustisya ang nagtutulak sa kanya kundi paghihiganti para sa isang nakaraan niyang trauma. 

Habang lumalalim ang kwento, nalalagay sa peligro ang buhay ng lahat ng mga tauhan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending