Kaila Estrada tinutukso kay Daniel Padilla, may ‘spark’ kaya?
MUKHANG nakikitaan ng chemistry together ang mga Kapamilya stars na sina Kaila Estrada at Daniel Padilla na magkasama sa action series na “Incognito”.
Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” ay napag-usapan nina Ogie kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang diumano’y pang-aasar sa dalawa sa set ng kanilang teleserye.
Nilinaw naman ng isa sa mga kaibigan ni Ogie na walang katotothanan ang kumakalat na chika na nililigawan o pinupormahan ni Daniel si Kaila.
Ngunit inamin rin nito na may mga nang-aasar sa dalawa sa kanilang set.
Baka Bet Mo: Kaila Estrada hindi lang basta anak ni Janice: Napakahirap pala!
View this post on Instagram
“Hindi raw bet ni Kaila na siya ay tinutukso kay Daniel kasi nga kaibigan lang daw talaga ang kanilang turingan ni Daniel at sinabi ko na nga yan na hangga’t kaya ay ayaw ma-involve o ma-inlove ni Kaila sa isang taga-showbiz,” chika ni Ogie.
Nilinaw naman ni Ogie na walang kinalaman sa nangyari sa kanyang magulang ang naging desisyon na hangga’t kaya ay ayaw niya na mula sa showbiz ang kanyang magiging karelasyon.
“Ayaw na raw makigulo ni Kaila kasi masalimuot ang mga tini-team up o nila-love team love. Tama naman ang desisyon niya,” sey pa ng talent manager.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.