Daniel Padilla nasasapawan nga ba ni Anthony Jennings?
INIINTRIGA ngayon ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla na diumano’y nilalamon daw sa aktingan ng rising star na si Anthony Jennings.
Sa isa sa mga nagdaang episode ng “Showbiz Update” ni Ogie Diaz ay napag-usapan nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang bagong Kapamilya teleserye na “Incognito”.
Parehas na kasama sa lead casts ng naturang teleserye sina Anthony at Daniel.
Ngunit chika ni Mama Ogz, may mga netizens raw na diumano’y kinukumpara ang husay ng dalawa pagdating sa acting.
Baka Bet Mo: Daniel Padilla pinatunayang hot na hot pa rin; pak na pak bilang endorser
View this post on Instagram
“Ewan ko ba bakit ‘yung ibang fans talagang kino-compare pa si Daniel kay Anthony Jennings,” saad ni Ogie.
Kasunod nito ay ang pagbasa nila ng Facebook post ng isang entertainment page na “Showbiz Broadcast”.
“Daniel Padilla Supalpal kay Anthony Jennings Pagdating sa Aktingan Ayon sa Netizens
Maraming netizens ang nakapansin sa natural acting skill ni Anthony Jennings sa Kapamilya series na ‘Incognito’ na mapapanood sa Netflix.
“Napansin ng netizens na supalpal si Daniel Padilla pag kasama si Anthony Jennings dahil mas magaling itong umarte kesa sa kanya.
“Saad pa ng isa, nagkaroon man ng cheating issue si Anthony ay hindi pa rin maitatago ang galing nito sa pag-arte kaya patuloy na kinagigilawan ng mga manonood,” sey sa naturang post.
Chika naman ni Ogie, “Ako mismo magsasabi, hindi totoo ‘yan. Walang sapawang naganap. Iba ‘yong kagwapuhan ni Anthony Jennings sa kagwapuhan naman ni Daniel Padilla.”
“Alam mo pinakapaborito ko kay Daniel? Ilong. Napakaganda ng ilong. Parang nililok,” dugtong pa niya.
Kaya naman nakiusap na rin ang talent manager na huwag nang ikumpara ang dalawa sa isa’t isa.
“[Ang] importante talagang engaging ‘yong mga fans pagdating sa ‘Incognito.’ Talagang napakaraming nanonood,” sey pa ni Ogie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.