Daniel pinatunayang hot na hot pa rin; pak na pak bilang endorser

Daniel Padilla pinatunayang hot na hot pa rin; pak na pak bilang endorser

Ervin Santiago - January 28, 2025 - 08:20 AM

Daniel Padilla pinatunayang hot na hot pa rin; pak na pak bilang endorser

Daniel Padilla

MUKHANG nakabawi na nga ang Kapamilya actor at singer na si Daniel Padilla dahil sa tagumpay na tinatamasa ng comeback series na “Incognito.”

In fairness, pak na pak sa mga manonood ang naturang action-drama series ng ABS-CBN kung saan kasama rin ni DJ sina Ian Veneracion, Richard Gutierrez, Maris Racal at Anthony Jennings.

Kaya naman feeling thankful at grateful si Daniel sa lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya – mula noon hanggang ngayon.

“Nagpapasalamat ako ng marami sa lahat-lahat. Sa buong pusong pagmamahal at pagtitiwala nila sa akin, lalung-lalo na ang fans.

Baka Bet Mo: Arjo ka-join sana sa ‘Incognito’ nina Daniel at Richard, anyare?

“At sa lahat ng aking tagasuporta, maraming-maraming salamat dahil mas lalo akong excited gumawa ng magagandang proyekto, sa musika, sa series, para sa inyong lahat,” ani DJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by STAR CREATIVES TV (@starcreativestv)


Patuloy pa niya, “Siyempre espesyal sa akin ang Incognito, dahil ito ang una kong serye ngayong taon, at sa tulong ng produksiyon at kapwa ko artista ay natawid namin nang maayos ang mga eksena.

“Disiplina at dedikasyon talaga ang ilalaan mo para matawid ito (matitindi at intense scenes). Buong puso akong nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal,” aniya pa.

“Every shooting namin, challenging, physically and emotionally draining. Para kaming mga tunay na sundalo kung mag-shoot,” sey pa ni Daniel about “Incognito”.

Samantala, isa sa patunay na hot na hot pa rin si Daniel sa madlang pipol ay ang pagiging brand ambassador ng iba’t ibang product and services.

Isa na nga riyan ang JAG BLK na patuloy ding nagtitiwala kay DJ bilang isa sa pambato nilang celebrity ambassador.

“As one of the most sought-after actors of his generation, Daniel Padilla perfectly embodies the modern and stylish appeal of Jag,” ayon sa statement ng naturang brand.

“The complete premium collection, from bottoms to tops, is crafted for true denim enthusiasts who value durability and style. The collection features masculine textures for those seeking tough, versatile denim that doesn’t compromise on style,” sabi pa.

Mensahe naman ni DJ, “Maraming salamat sa tiwala at suporta at dahil nagtiwala sila sa akin, dapat lang ibalik natin ng buong-buo ang tiwalang yun.”

In fairness, swak na swak naman talaga sa personalidad ni DJ ang style ng naturang clothing line lalo na sa kanyang pagiging action star.

Sa katunayan, talagang pinagkaguluhan pa rin ng mga tao si Daniel sa launching niya bilang  ambassador ng brand sa SM Mall of Asia, Pasay City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi magkamayaw at halos hindi mahulugang karayom ang activity center nang dumating si Daniel sa kanyang fan meet. Kitang-kita ang pagkasabik ng fans sa aktor na matagal din nilang hindi nakita upclose and personal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending