Kaila Estrada hindi lang basta anak ni Janice: Napakahirap pala!
NAPATUNAYAN ng Kapamilya actress na si Kaila Estrada na hindi biro at napakahirap ng trabaho ng nga artista sa entertainment industry.
In fairness, itinuturing na ngayon ang anak nina Janice de Belen at John Estrada bilang isa sa pinakamagagaling na aktres sa mundo ng telebisyon at pelikula.
Nagmarka nang bonggang-bongga si Kaila sa mga manonood bilang natural at matalinong aktres sa mga ABS-CBN series na “Linlang” and “Can’t Buy Me Love.”
Baka Bet Mo: Jed, Nyoy, Louie umaming napakahirap ng trabaho bilang hurado sa ‘TNT’
Na-interview ni Luis Manzano ang aktres sa YouTube vlog nito at dito nga naibahagi ng dalaga kung paano siya naghahanda para sa kanyang mga role lalo na sa mga intense at matitinding confrontation scenes.
View this post on Instagram
“For me it depends. I think isolating yourself helps a lot, parang it sort of keep yourself in focus. I feel like that helps, get the emotions ready,” pahayag ni Kaila.
Dagdag pa niya, “I like to go into the emotional journey of the character and see how I can relate to that. If I find that common ground then it’s a lot easier for me to sort of do the scenes because even for me it feels so real.”
Sa tanong ni Luis kung ano’ng feeling na nakagawa na rin siya ngayon ng sarili niyang name sa showbiz industry at hindi lang basta anak nina Janice at John, “I was honestly so emotional and I was so overwhelmed.
Baka Bet Mo: Janice hindi epal, pakialamerang ina; Kaila umiyak sa sobrang kahihiyan
“Lagi kong sinasabi na I’m just really so grateful na ganu’n ‘yung naging response kasi parang na-validate ako and ‘yung hard work ko.
“It’s what inspires me to continue doing what I love to do because there are people who really appreciate it so I feel like it makes it so fulfilling for me. And parang naba-validate rin na tama ‘yung choices ko in life. I’m super happy,” lahad ng aktres.
Sa loob lamang ng halos apat na taon sa industriya, marami ang nagsasabing mabilis ang pag-akyat ni Kaila sa estado na kinalalagyan niya ngayon. Anu-ano ang mga discoveries niya sa kanyang career mula nang magsimula siya noong 2021.
“I knew it was gonna be challenging, and never ko naman naisip na what my parents do it’s so easy. Never ko naman siya naisip na ganu’n.
“But when I started taping, when I started working, that’s when I realized ang hirap nito. Like it’s not an easy job, the hours, the emotional, physical, mental, it can be draining and exhausting.
“It’s really no joke kaya hanga ako sa mga artista na sunod-sunod ‘yung ginagawa na talagang everyday na mabibigat and also like my mom and my dad raising us at the same time doing this,” aniya pa.
View this post on Instagram
Tungkol naman sa kanyang dream projects, “Dream role ko is to be in an action film or like an action genre, ‘yun talaga, that’s my ultimate dream.
“I feel like I have two now though, horror or action, so something around the psycho-thriller genre or action,” pahayag pa ng dalaga na siguradong hahakot din ng vest actress award tulad ng kanyang inang si Janice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.