Daniel, Kaila hindi raw bagay, nagkakaligawan na nga ba?

Daniel Padilla, Kaila Estrada hindi raw bagay, nagkakaligawan na nga ba?

Ervin Santiago - February 23, 2025 - 08:00 AM

Daniel Padilla, Kaila Estrada hindi raw bagay, nagkakaligawan na nga ba?

Daniel Padilla at Kaila Estrada

TRUE nga ba ang nakarating sa aming chika na nililigawan daw ni Daniel Padilla ang co-star niya sa hit action-drama series na “Incognito”?

Palagi raw kasing tinutukso si Daniel kay Kaila kapag magkasama sila kaya marami ang nagtatanong kung totoong pinopormahan ng aktor ang dalagang anak nina Janice de Belen at John Estrada.

In fairness, wala namang magiging problema kung sakaling magkadebelopan at magkainlaban ang dalawang Kapamilya stars dahil kung hindi kami nagkakamali ay pareho naman silang single.

Isa ang chikang ito sa napag-usapan sa latest episode ng “Showbiz Updates” YouTube channel ni Ogie Diaz kung saan nabanggit ng content creator na may nagtanong daw kay Kaila kung totoong pinopormahan siya ni Daniel.

“May nagtanong kay Kaila kung totoo bang nililigawan siya ni Daniel Padilla. Kasi sila ‘yong parang laging magkaeksena (sa Incognito). Si Max at si Andres (mga karakter nila sa serye),” lahad ni Ogie.

Baka Bet Mo: Diskarte ni Darren sa babae: Dapat una mong ligawan yung mga magulang niya

Pero sey ng online host at talent manager, “Parang nabanggit sa akin ‘yan ni Kaila sa aking interview. Hindi niya type kapag taga-showbiz na katulad din niya. Gusto niya non-showbiz.”

Ngunit agad namang nilinaw ni Mama Ogs na hindi niya sinasabing wala nang pag-asa si Daniel kay Kaila dahil tanging ang aktres lamang ang makakasagot niyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by STAR CREATIVES TV (@starcreativestv)


In fairness, hindi naman natin kontrolado ang isip at puso ni Kaila kaya pwede pa rin siyang ma-in love kay DJ kung totoo ngang nililigawan siya ng ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Sey nga ni Ogie, “Baka naman tuksu-tuksuhan lang ‘yan at ang totoo naman pala e magkakaibigan talaga sila.”

Hbang isinusulat ang chikang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag sina Daniel at Kaila hinggil sa panunukso sa kanila at kung ano nga ba ang totoo – havey ba o waley!?

Samantala, iba’t iba ang reaksyon ng netizens sa pagsi-ship kina DJ at Kaila sa “Incognito”, may mga agree pero meron ding kumokontra.

“Kinikilig akoooo hahaha ang ganda kase ni kaila. parang kahit kanino sya ipartner ang ganda ganda nya.”

“FOCUS TAYO sa character lang ah. hindi sa totoong buhay. Kaila wag ka mafafall. palabas lang to… pero ang lakas ng dating.”

“Bagay naman sina DJ at Kaila. Wag munang pangunahan baka maudlot panliligaw ni Daniel. Finally makaka move on na siya kay Kath.”
“Parang pilit iyong love angle kina Kaila at Daniel.”

“Parang mag-ate kapag Kaila at Daniel lol. Mas okay sila ni Richard.”

“Kay Richard bagay si kaila as a loveteam.”

“Pano Yan,Kaila estrada, Karla estrada?”

“Tama pilit yung kay Daniel ,mantalang si Kaila at Richard refreshing, bagay na bagay sila ,wag lang patayin character ni Richard para ipush sya Kay Daniel.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hmmmm…pwede naman pero para talaga silang mag ate pag watch ako Incognito. But who are we to judge?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending