Diskarte ni Darren sa babae: Dapat una mong ligawan yung mga magulang niya Bandera

Diskarte ni Darren sa babae: Dapat una mong ligawan yung mga magulang niya

Ervin Santiago |June 08,2021
share this

Diskarte ni Darren sa babae: Dapat una mong ligawan yung mga magulang niya

Ervin Santiago June 08,2021 - 09:03 AM

SINGLE pa rin hanggang ngayon ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto at wala rin daw siyang nililigawan ngayon.

Last month lang nag-celebrate ng kanyang 20th birthday ang binata kasabay ng pagbabalik niya sa Pilipinas makalipas ang ilang buwang pananatili sa bahay nila sa Canada kung saan siya inabutan ng pandemya noong nakaraang taon.

Sa panayam kay Darren ng Monster RX93.1, natanong siya kung ano ang nakikita niya sa sarili 10 years from now, “Sana I’m still doing what I love which is performing and making music and all that and hopefully by then I’ve released a few international singles and I’ve gotten a few international recognitions na rin hopefully. Libre lang naman mangarap. 

“But in regards to my personal life, maybe I’ll be married, you know we never know. 30 is a weird age. Some people are married, some people are having kids, some people are enjoying their single life. 

“So you never know what the future holds. Siguro by then I may not just have a girlfriend, maybe fiancée ko na siya or maybe single pa rin ako,” simulang pagbabahagi ng binata.

Inilarawan din niya ang kanyang ideal girl, pero aniya hindi raw niya gagamitin ang pagiging singer sa panliligaw.

“It’s actually funny because as a singer, hindi ako yung nanliligaw through songs. Which is ironic I would say. 

“Type ko sa isang babae yung simple lang talaga and someone I can relate to, someone I can vibe with and ayoko ng sabihin yung hindi siya high maintenance. 

“Siguro that is incorporated in being a simple girl pero of course besides that, God-fearing and someone who respects my family, my parents, and all of that,” paliwanag ni Darren.

Pagpapatuloy pa niya, “I’m being really honest right now. Wala naman akong nililigawan ngayon and I would court the parents first then ask if it’s okay. 

“Dapat una mong ligawan yung mga magulang bago siya. Kasi okay lang naman na mag-usap usap kayo from time to time. Be friends and all that. 

“But if you’re really going to take things seriously and you actually want to be more than friends, start with the parents and make sure that they’re okay with everything that you doing in your intentions for their daughter,” lahad pa ni Darren.

Kasunod nito, inamin niya na naramdaman na rin niya ang ma-heartbroken, “Yeah of course. It’s a part of life and you just have to keep moving on from it. Dadaan at dadaan naman tayo sa heartbreak. 

“Minsan hindi dahil sa relationships lang,eh. It can be sa personal life mo, it can be through a movie na nararamdaman mo talaga yung performance na tagos nung actor, it can even be from a song. 

“You know you might not even be heartbroken but you’re heartbroken from the lyrics or the melody or the instrumental of the song.

“I’d say it’s a part of life and you just have to know how to move on and move forward because life doesn’t stop there. Especially tayong mga Filipino, mahilig tayong humugot. Sentimental people tayo. 

“Sana matutunan lang din nating mag-let go din kasi minsan mas okay na mag let go imbis nag-ho-hold on ka sa isang bagay o tao na hindi naman nakakabuti sa iyo or it’s super toxic already,” ang pahayag pa ng Kapamilya star na naghahanda na rin para sa kanyang “Darren Home Run: The Comeback Concert” sa June 19, 8 p.m.. Available ang ticket sa KTX.ph, iWant TFC, at TFC IPTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending