John Estrada aminadong 'friendly', di alam kung bakit habulin

John Estrada aminadong ‘friendly’, di alam kung bakit habulin

Therese Arceo - August 23, 2024 - 08:24 PM

John Estrada aminadong 'friendly', di alam kung bakit habulin

NATANONG ng beteranang mamamahayag na si Korina Sanchez ang isa sa mga kontrobersyal na aktor na si John Estrada patungkol sa pagiging malapit nito sa mga babae.

Sa kanyang magazine show na “Rated Korina”, nausisa siya tungkol sa pagiging habulin nito sa mga babae at kahit na may edad na ito ay marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya.

“Honestly Ms. K, hindi ko rin alam. I don’t consider myself habulin,” saad ni John.

Ngunit tila hindi convinced si Korina sa sagot ng aktor.

Baka Bet Mo: Korina Sanchez nakipagpalit ng OOTD: ‘Ang hirap panindigan ang buhay ng isang Tessa Prieto!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Totoo ba ‘yan?” sundot pa ni Korina sa sagot ni John.

“Hindi talaga, alam ko lang, medyo friendly ako…” sey pa ng aktor.

Hindi naman lingid sa kaalam ng madla na marami na ring pinagdaanang pagsubok si John sa kanyang mga naging karelasyon mula sa una nitong asawa na si Janice de Belen.

Noong kasagsagan ng kanilang noontime program na “MTB” ay na-link ito sa kanyang co-host na si Vanessa del Bianco.

Matapos ang ilang taon ay muling ikinasal si John sa beauty queen na si Priscilla Meirelles.

Ngunit kamakailan lang nang aminin nila sa publiko na nagdesisyon na silang maghiwalay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay kasunod nang pagsagot ni Priscilla sa comment sa Instagram post ni John kung saan tinatanong siya ng mga ito kung sino ang kasama niya sa Boracay.

Matapang namang pinangalanan ni Priscilla ang babae na siyang naging dahilan para pag-usapan kung ano na ang lagay ng kanilang relasyon.

Kalaunan ay sinabi ni John sa kanyang Instagram na mutual ang desisyon nilang maghiwalay ngunit sinopla ito ni Priscilla at sinabing hindi totoo na mutual ang kanilang desisyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending