Korina Sanchez nakipagpalit ng OOTD: 'Ang hirap panindigan ang buhay ng isang Tessa Prieto!' | Bandera

Korina Sanchez nakipagpalit ng OOTD: ‘Ang hirap panindigan ang buhay ng isang Tessa Prieto!’

Ervin Santiago |December 05,2022
facebook
share this

Korina Sanchez nakipagpalit ng OOTD: ‘Ang hirap panindigan ang buhay ng isang Tessa Prieto!’

Ervin Santiago - December 05, 2022 - 06:43 AM

Korina Sanchez nakipagpalit ng OOTD: 'Ang hirap panindigan ang buhay ng isang Tessa Prieto!'

Tessa Prieto at Corina Sanchez

MARAMING rebelasyon ang host at fashion icon na si Tessa Prieto tungkol sa kanyang personal life sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez.

Napanood namin ang “Korina Interviews” sa NET25 last week, November 27 kung saan nagbukas ng kanyang saloobin si Tessa Prieto about some problems at struggles in life sa kabila ng pagiging successful.

Sa one-on-one interview ni Korina  kay Tessa, nalaman ng manonood ang mga hugot at pinanggalingan ng pagsusuot niya ng makukulay at bonggang OOTD, mga sosyaling sumbrero at accessories.

In fairness, nag-enjoy si Korina sa pagpasok niya sa walk-in closet ni Tessa kung saan tumambad sa kanya ang napakaraming gowns ng event host at socialite.

Nakita rin ni Korina ang koleksyon ng sapatos ni Tessa at ang makukulay nilang mga hat na ka-match ng kanyang mga accessories na isinusuot niya.

In fact, may warehouse na raw siyang ipinagawa para sa kanyang mga gowns at iba pa niyang fashion collection.

Kung hindi raw siya nagkakamali, baka raw mahigit 2,000 na ang kanyang mga gown, more than 500 hats at sandamakmak na mga accessories.

Kuwento pa ni Tessa, nagpapa-garage sale rin siya para sa mga tinutulungan niyang charity institutions. Ngunit ang nakakaloka, may pagkakataon na siya rin daw ang bumibili sa ilan niyang gown dahil hindi pa niya ito kayang i-let go.

Pero ang talagang nagmarka sa mga nakapanood sa programa ni Korina ay ang dahilan sa likod ng pagsusuot ni Tessa ng makukulay at pabulodang outfit.

Naikuwento ni Tessa kay Korina ang tungkol sa pumanaw niyang kapatid na tumayong tatay sa una niyang anak noong dalaga pa siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)


Sa mga hindi pa nakakaalam,  single mother na uli ngayon si Tessa dahil naghiwalay na sila ng kanyang asawa at inamin niya na napakarami niyang natutunan after the breakup.

“I love that I went through this, in the sense that it made me grow as a person. A more loving, kinder, more responsible and willing to… I realize that I have the capacity to change,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, “I realized that I don’t need to change for someone to love.”

Nabanggit din ni Tessa na lalo pang dumami ang mga gowns niya noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic dahil talagang nagpagawa siya sa mga kaibigan niyang fashion designers para lang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga ito.

Samantala, nag-try din sina Korina at Tessa na mag-switch ng kanilang OOTD. Nakakaloka ang reaksyon ng veteran broadcast journalist nang isuot na ang gown at korona ni Tessa

Chika ni Korina, “Ang hirap panindigan ang buhay ng isang Tessa Prieto.

Sey naman ni Tessa sa damit ng TV host at dating news anchor, “Ang gaan maging Korina. Walang mga burloloy. Nothing. Para akong hubad!”

Korina sinupalpal ang basher na nagsabing ‘plastikada’ sila ni Karen: ‘You’re not only misinformed, you’re miserable’

Korina gusto ring ma-interview sina Heart at Chiz; may nilinaw tungkol kina Loren at Robin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending