Rufa Mae Quinto hinimatay sa US bago makauwi sa Pinas

Rufa Mae hinimatay sa US bago makauwi sa Pinas: Sobrang nerbiyos!

Ervin Santiago - January 27, 2025 - 12:10 AM

Rufa Mae hinimatay sa US bago makauwi sa Pinas: Sobrang nerbiyos!

Rufa Mae Quinto

GRABE pala ang nangyari sa komedyanang si Rufa Mae Quinto sa Amerika bago siya nakauwi nang tuluyan sa Pilipinas.

Nahimatay at na-emergency pala ang aktres dahil sa naranasang matinding stress, kalungkutan at sobrang pag-aalala sa mga hinaharap na pagsubok sa kanyang personal na buhay.

Hindi naman kasi talaga biro ang mga pinagdaraanang problema ngayon ni Rufa Mae pero marami ang humahanga sa kanya dahil sa kabila ng lahat ay “go, go, go” pa rin siya sa paglaban sa buhay

Bukod sa paghihiwalay nila ng asawang si Trevor Magallanes at sa co-parenting status nila nito para sa kanilang nag-iisang anak ay may mga kaso pa siyang kailangang  harapin dahil sa pagkakasangkot niya umano sa investment scam.

Baka Bet Mo: Rufa Mae pinayuhan si Herlene Budol sa pagharap sa mga pagsubok: ‘Tuloy mo lang yung gusto mo, follow your heart wherever you go, go, go!’

Kasunod nga nito ang pag-iisyu sa kanya ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code ng derma company na inendorso niya kaya kinailangan niyang magpiyansa ng P1.7 million. Kusa rin siyang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sa panayam sa kanya ng talent manager at online host na si Ogie Diaz, naibahagi nga niya ang kuwento nang bigla na lang siyang mahimatay bago umuwi ng Pilipinas galing Amerika.

“Nahimatay ako sa U.S. dahil sa sobrang nerbiyos, sobrang lungkot, sobrang lahat na. Kaya iyon ang nangyari. Na-(emergency) ako,” pagbabahagi ng komedyana.

“Nahilo ako habang kinukuha ko ‘yung food, kare-kare, tapos parang nilalamig na akong ganoon. Sa gutom din kasi nga siyempre.

“Sabi ko, ‘Dami ko nang kinain noong Pasko tapos pauwi na rin ako kaya kailangan ko lang magpigil kumain.’ Tapos gusto ko lang yakapin ang anak ko. Alam mo ‘yung kung tulog siya, gusto ko lang nandu’n ako sa tabi niya,” kuwento ni Rufa Mae.

Dugtong pa ng aktres, natagpuan na lang daw siya ng mga tao na nakahiga sa sahig ng hotel may may dugo sa ulo dulot ng pagtama ng kanyang baba sa floor.

“After this alam mo ‘yung bigla na lang akong nagising na huwag na akong mamroblema. Kesa mamatay ako, gumising ako tapos sinabi ko, ‘ ‘Yung anak ko!?'” pag-alala pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit na raw marami siyang inaalalang problema, happy and thankful pa rin si Rufa Mae dahil kasama na niya rito sa Pilipinas ang kanyang anak na si Athena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending