Rufa Mae Quinto, Trevor Magallanes inaasikaso na ang divorce
MISMONG si Trevor Magallanes ang nagkumpirma sa publiko na nasa proseso na sila ni Rufa Mae Quinto ng divorce o pagpapawalang bisa ng kanilang kasal.
Sa isa sa kanyang mga Instagram stories, ibinahagi niya ang isang note na isinulat noong December 12.
Saad ni Trevor, “Hey guys, I felt like I need to explain myself based on social media and all that. I want to make myself clear that Rufa Mae and I are in the process of a divorce.”
Aniya, ang naturang proseso ay talaga namang nakakaapekto sa mag-asawa pati na rin sa mga anak nito.
Baka Bet Mo: Rufa Mae Quinto tuloy ang laban kahit maraming pinagdaraanan
Ver esta publicación en Instagram
Sabi pa ng asawa ni Rufa Mae, “You may be aware divorce can be very devastating to the children and also the parents.
That being said, my marriage has been a shit show and I am sorry for that.”
Hangad naman ni Trevor sa ngayon sy makapiling ang anak nila ni Rufa Mae na si Athena.
“All that matters to me at this time is getting through the divorce as best as I can and spending time with Athena.
“Happy holidays!” sey pa ni Trevor.
Matatandaang nitong nagdaang araw ay ibinahagi ni Trevor ang screenshots ng umano’y pakikipag-usap ni Rufa Mae sa ibang lalaki pati ang usapan nila sa Instagram.
Ito ay kasunod nang mag-viral ang ginawang paglalantad ni Jam Villanueva sa panloloko sa kanya nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Bukod pa rito, kapansin-pansin rin na mainit ang dugo ni Trevor sa asawa at pati ang kinasasangkutan nitong kontrobersya bilang endorser ng isang skin care brand ay ibinahagi rin nito na may mga kasamang negatibong komento.
Samantala, nang bisitahin namin ang Instagram page ni Trevor sy naka-private na ito.
Lately lang rin nang mag-post si Rufa Mae ng kanyang mga larawan sa IG na may caption na “Kaya pa.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.