Sia nakipaghiwalay na sa 2nd husband, nag-file ng divorce

Sia nakipaghiwalay na sa 2nd husband, nag-file ng divorce

Pauline del Rosario - March 23, 2025 - 05:00 PM

Sia nakipaghiwalay na sa 2nd husband, nag-file ng divorce

Sia

WALA nang nakapigil at tuluyan nang hiniwalayan ng Australian singer-songwriter na si Sia ang kanyang second husband na si Daniel Bernard.

Matapos ang dalawang taong kasal, nagsampa ng divorce si Sia noong March 19 sa Los Angeles Superior Court, ayon sa mga balita.

At gaya ng madalas na rason sa mga showbiz hiwalayan, “irreconcilable differences” ang dahilan kung bakit nagdesisyon si Sia na tuluyan nang putulin ang kanilang relasyon.

Walang hinihinging spousal support si Sia para kay Daniel, pero nais niyang makuha ang legal at physical custody ng kanilang 11-month old baby na si Somersault Wonder Bernard.

Baka Bet Mo: Ai Ai sa cheater: Bumili ng ring? Engaged na? Divorce na sila ni wifey?

Walang masyadong impormasyon kung kailan at paano nagkakilala sina Sia at Daniel.

Ang sigurado lang ay naging legal ang kanilang pagsasama noong December 2022 at nagkaroon pa sila ng intimate wedding ceremony sa Portofino, Italy noong May 2023.

Hindi ito ang unang beses na dumaan si Sia sa ganitong sitwasyon.

May unang asawa kasi ang singer at ito ang filmmaker na si Erik Anders Lang na nagtagal mula 2014 hanggang 2017.

Bukod sa pagiging sikat na mang-aawit, si Sia ay kilala rin bilang very private person.

Samantala, sa edad 49 ay patuloy ang kasikatan niya, lalo na’t siyam na beses na siyang na-nominate sa Grammy Awards kung saan lima rito ay dahil sa kanyang 2014 mega-hit na “Chandelier.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Sia o si Daniel tungkol sa kanilang hiwalayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending