Ai Ai sa cheater: Bumili ng ring? Engaged na? Divorce na sila ni wifey?

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan
HUMIRIT na naman ang Comedy Queen at Kapuso star na si Ai Ai delas Alas laban sa isang taong tinawag niyang “cheater.”
Nag-share sa kanyang Facebook page ang veteran actress ng isang photo message kung saan muli niyang ibinuking ang cheater at sinabing bumili raw ito ng singsing.
Feeling niya may plano na raw ang taong tinutukoy niya na mag-propose sa dyowa nito kahit hindi pa divorced sa kanyang “wifey”.
“SI CHEATER BUMILI NG RING? AY WOW PANG ENGAGED NA? HUH DIVORCE NA BA SILA NI WIFEY? NYEK HINDI PA NO!” ang nakalagay sa photo message ng komedyana.
Ang inilagay ni Ai Ai na caption sa kanyang FB status, “Sabi ng mga soldiers … Sana OL .. pagkaksyahin ko sa leeg nya.”
Baka Bet Mo: Kristine ayaw nang sumabak sa drama, nakakapagod daw
Hindi man pinangalanan ni Ai Ai ang cheater, naniniwala ang mga netizens na ang kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan ang kanyang tinutukoy.
Kaya ang nagkakaisang comment ng netizen, huwag pirmahan ni Ai Ai ang divorce papers nila ni Gerald para hindi na ito makapagpakasal sa ibang babae. Bawiin na rin daw niya ang green card ng nakahiwalay na asawa.
Nauna nang ibinandera ni Ai Ai na may iba nang dyowa si Gerald na posibleng naging sanhi ng kanilang paghihiwalay. Shookt pa nga raw ang komedyana na Pinay din ang umano’y ipinalit sa kanya.
Nag-post siya sa Facebook at Instagram ng isang quote tungkol sa “cheater” kung saan nakasaad ang mga katagang, “NO WOMAN COULD LOVE A CHEATER AND NOT PAY THE PRICE OF IT.”
“Hahaha ang Balita nga naman kahit akoy nana himik bongga!! Take note si mistress ay PILIPINA.
“MARCH 2024 …. Gerrys Grill si mistress naka hilig pa yung ulo sa balikat ni Cheater (wow sweet).
“JUNE 2024 … malapit sa jollibee (malapit sa fremont yesss iba din malapit pa bahay namin ahhhh) holding hands si cheater and si mistress (wow sweet ulit).
“Lalakas ng loob ahhh puro filipino establishments at california IDOL!!! GOAT!( greatest of all time ),” pahayag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.