Ai Ai ayaw nang makita at makausap ang ex na si Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas ayaw nang makita at makausap ang ex na si Gerald Sibayan

Ervin Santiago - December 31, 2024 - 06:25 PM

Ai Ai delas Alas ayaw nang makita at makausap ang ex na si Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

NEVER nang kinausap ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan mula nang hiwalayan siya nito sa pamamagitan lamang ng chat.

Sa ngayon ay wala pa ring balak ang komedyana na makipagkita at makipag-usap kay Gerald matapos siyang hiwalayan nito nitong nagdaang October.

Sa muling pagbisita ni Ai Ai sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Lunes, December 30, ay natanong siya kung nagkakausap o nagkita na ba sila ni Gerald.

Humindi si Ai Ai at sinabing mas okay na raw muna na huwag silang magkita at magkausap ng nakahiwalay na asawa na nakasama niya sa loob ng 10 taon.

Baka Bet Mo: Vice Ganda nagbalik na sa ‘It’s Showtime’; ibinuking na may group chat pero wala si Karylle

“I refused to. From the time na ‘yung sinabi niya ‘yon sa akin, hindi na ako nakipag-communicate sa kanya.

“Nakikipag-communicate ako sa kanya through some people like my son-in-law, ganyan, tapos ‘yung mga ibang tao. Pero ako, direktang (no),” paliwanag ng aktres.

Last November nang kumpirmahin ni Ai Ai sa “Fast Talk with Boy Abunda” na iniwana na siya ni Gerald. Ikinasal sila noong 2017, at nagkaroon pa ng renewal of vows sa Las Vegas noong 2022.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Nandito sa Pilipinas ang aktres habang nasa Amerika naman si Gerald nang mag-chat ito sa kanya para tuluyan nang makipaghiwalay.

Naniniwala rin siya na may ibang babae si Gerald kaya nakipaghiwalay ito sa kanya bukod pa sa mga rason nito na gusto na niyang magka-baby at hindi na happy sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Pero sa panayam sa kanya ni Tito Boy, sinabi ni Ai Ai na wala siyang balak na ipawalang-bisa niya ang green card ni Gerald na nakuha nito matapos siyang ipetisyon after ng kasal nila noong 2017 at magpabalik-balik sa US.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko naman gagawin ‘yun. Siyempre husband ko pa rin siya. Parang help ko na ‘yon sa kaniya para magkaroon siya ng legal status sa Amerika,” sabi ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending