Vice Ganda nagbalik na sa ‘It’s Showtime’; ibinuking na may group chat pero wala si Karylle
NAGBABALIK na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang noontime show na “It’s Showtime” matapos ang kanyang successful concert sa Amerika.
At sa pagbabalik nga ni Vice ay tila may pasalubong na pasabog si Vice Ganda para sa mga madlang pipol.
Sa kanilang segment na “Madlang Pi-Poll” ay na-bring up nito na masakit ang matanggal sa grupo na may kaugnayan sa isa sa mga tanong.
“Kahit sa chat group lang e. ‘Yung biglang tinanggal ka… removed from the.. ay bakit ako niremove?” saad ni Vice Ganda.
“Eh paano pag dinilete mo naman yung pangalan?” tanong naman ni Ogie.
Sinagot naman ito ni Vice Ganda ng, “Kung ikaw yung nag-leave okay yun.”
“Pero yung ni-remove ka sa group? O kaya yung may chat group kayo, tas may iba pa palang group na lahat sila andun, ikaw lang ang wala, diba? Aminin niyo, ginawa natin kay Karylle yan dati,” pagbubuking ni Vice Ganda.
Napa-react naman ang mga “It’s Showtime” hosts nsa sinabi ni Vice Ganda.
“Grabe!!!” saad ng mga hosts.
““Ba’t sinasabi mo pa yun?” sey naman ni Vhong Navarro.
Tinanong naman ni Teddy Corpuz kung sino ang leader o admin ng nasabing group chat.
“Yung direktor ang lider nun,” sagot naman ni Vice.
Wala mang direktang pangalan na sinabi si Vice Ganda ngunit mukhang ang tinutukoy nito ay ang dating direktor ng “It’s Showtime” na si Direk Bobet Vidanes.
Matatandaang kamakailan lang nang gumawa ng ingay ang paglalabas ng pahayag ni Direk Bobet Vidanes patungkol sa kanyang pag-alis nang walang paalam sa mga hosts ng “It’s Showtime” na nakasama niya ng isang dekada.
Aniya, ito ay dahil hindi na daw kinakaya ng kanyang kalusugan ang trabaho sa nasabing show at hindi raw pera ang nagong dahilan ng kanyang paglipat.
Wala namang nakuhang reaksyon mula sa “It’s Showtime” matapos ang naging pahayag ni Direk Bobet. Wala rin si Vice Ganda noon dahil abala ito sa paghahanda sa kanyang nagdaang concert sa Amerika.
View this post on Instagram
Marami naman sa mga netizens ang tila nagsasabi na ito ay patama ni Vice ukol sa mga naging pahayag ni Direk Bobet laban sa kanila.
May ilan naman na naawa kay Karylle dahil hindi daw nito deserve ang ginawa nila Vice sa kanya.
Well, hindi naman natin alam ang buong konteksto patungkol sa sinabi ni Vice Ganda kaya hindi rin natin masabi kung bakit nga ba nagkaroon sila ng sariling group chat na wala si Karylle.
Anyway, mukha namang okay sila at marahil ay matagal na itong nangyari at napatawad na sila ni Karylle kung ano man ang naging dahilan ng hindi niya pagkakasama sa nasabing group chat.
Related Chika:
Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?
Karylle walang balak layasan ang ‘Showtime’, labs na labs ang madlang pipol
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.