Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime? | Bandera

Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?

Ervin Santiago |April 18,2021
facebook
share this

Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?

Ervin Santiago - April 18, 2021 - 03:09 PM

MAY balak na nga bang mag-resign ang Kapamilya TV host-singer na si Karylle sa noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime”?

Natanong ito ng madlang pipol matapos ang naganap na 40th birthday celebration ni Karylle sa “It’s Showtime” last Saturday. May nabanggit kasi ang kasamahan niya sa show na si Vice Ganda tungkol dito.

Mensahe ni Vice para sa kaibigan, “Karylle is just really beautiful inside and out. Totoo yung sinasabi ni Tiyang, wala siyang masamang tinapay. Marami kang sablay pero walang masamang tinapay.

“Yun yung mga sablay na patatawarin mo talaga kasi hindi niya sinasadyang magkaroon, walang masamang intensyon yun. Eh lahat naman tayo sumasablay di ba?” pahayag ng Phenomenal Box-Office Star.

Dagdag pa niyang message para kay Karylle, “I love you just the same. Weird ka in a beautiful way. Weird ka in a not so beautiful way. I love you just the same.

“May mga pagkakataon dito na iniisip ko, ano kaya tumatakbo sa isip ni Karylle? Minsan may mga ways siya, may mga ginagawa siya, kaya nga weird ang tawag nyo sa kanya kasi minsan di nyo nage-gets.

“Siyempre hindi naman lahat sine-share natin sa isa’t isa. Meron pa rin naman tayong mga reservation. Kahit sobrang trinu-trust natin ang isa’t isa, sobrang mahal natin ang isa’t isa, may mga reservations tayo. “I’m sure may bagay kang hindi sine-share samin. May mga pinagdadaanan kang hindi namin alam na pinagdadaanan mo lang sa sarili mong paraan at sa sarili mong sistema, kung paano mo siya gusto pagdaanan.

“Basta kung anuman yang nasa isip mo, anuman mga wishes mo at mga plano mo sa buhay na personal mong binubuo na kahit di namin alam, sana matupad lahat.

“Dahil ang alam ko yung intensyon mo lang lagi maganda. Gusto kong maging masaya ka kasi again you are very beautiful. Ang bait bait mo sa amin kahit ang salba-salbahe namin,” natatawang sey pa ni Vice.

Pahabol pa ng komedyante na tila may ibig ipakahulugan, “Sana makasama ka pa namin. Huwag mo kaming iiwan, K, ha?”

Naiyak naman si Karylle sa mga birthday message ng kanyang co-hosts at nagpasalamat nang bonggang-bongga.

Aniya, “Iniisip ko ano ba yung lakas ko, naiisip ko kayo. Pag tumugtog na si MOD, automatic di ba? Kasi yun din yung iniwan satin ng madlang pipol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala man sila dito ngayon, sila yung lakas natin. Kasi mahirap naman sa totoo lang ang pumasok kasi nakakatakot din. Lumalakas loob ko because of all of you so thank you. Yun talaga yun,” dagdag pang pahayag ni Karylle.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending