Karylle walang balak layasan ang 'Showtime', labs na labs ang madlang pipol | Bandera

Karylle walang balak layasan ang ‘Showtime’, labs na labs ang madlang pipol

Reggee Bonoan |April 19,2021
facebook
share this

Karylle walang balak layasan ang ‘Showtime’, labs na labs ang madlang pipol

Reggee Bonoan - April 19, 2021 - 02:20 PM

WALANG dahilan para lisanin ni Karylle Tatlonghari-Yuzon ang noontime program na “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

Bukod sa mahal na mahal niya ang mga kasamahan niya sa show ay sobra ang kaligayahang nararamdaman niya kapag marami silang taong napapasaya lalo na noong wala pang COVID-19 pandemic.

Taong 2009 ini-launch ang “It’s Showtime” kasama sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Billy Crawford, Jugs & Teddy at Anne Curtis bilang main hosts.

Pumasok naman si Karylle taong 2010 at naroon pa rin hanggang ngayon kaya sa loob ng 12 taon ay masasabing isa na rin siya sa pioneer ng show lalo’t isang taon lang naman ang pagitan niya sa mga nabanggit na main hosts.

Nag-ugat ang tsikang iiwan na ni K (tawag kay Karylle) ang “Showtime” dahil sa pa-tribute ni Vice sa 40th birthday celebration ng singer-actress sa nakaraan nilang episode.

Tanda pa nga namin na nagkaroon ng tampo si Vice kay Karylle noong 2014 dahil tila hindi pabor ang asawa nitong si Yael Yuzon sa loveteam nilang ViceKarylle na noo’y magkasintahan pa lang. Bukod dito ay hindi dumalo si K sa victory party ng pelikulang “Girl Boy Bakla Tomboy.” Mabuti na lang at naayos kaagad ang issue.

Ang sabi kasi ni Vice, “Karylle is just really beautiful inside and out. Totoo ‘yung sinasabi ni Tiyang (Amy Perez), wala siyang masamang tinapay. Marami kang sablay pero walang masamang tinapay.

“Yun ‘yung mga sablay na patatawarin mo talaga kasi hindi niya sinasadyang magkaroon, walang masamang intensyon yun. Eh lahat naman tayo sumasablay di ba?

“I love you just the same. Weird ka in a beautiful way. Weird ka in a not so beautiful way. I love you just the same.

“May mga pagkakataon dito na iniisip ko, ano kaya tumatakbo sa isip ni Karylle? Minsan may mga ways siya, may mga ginagawa siya, kaya nga weird ang tawag nyo sa kanya kasi minsan di n’yo nage-gets.

“Siyempre hindi naman lahat sine-share natin sa isa’t isa. Meron pa rin naman tayong mga reservation. Kahit sobrang trinu-trust natin ang isa’t isa, sobrang mahal natin ang isa’t isa, may mga reservations tayo.

“I’m sure may bagay kang hindi sine-share samin. May mga pinagdadaanan kang hindi namin alam na pinagdadaanan mo lang sa sarili mong paraan at sa sarili mong sistema, kung paano mo siya gusto pagdaanan.

“Basta kung anuman yang nasa isip mo, anuman mga wishes mo at mga plano mo sa buhay na personal mong binubuo na kahit di namin alam, sana matupad lahat.

“Dahil ang alam ko ‘yung intensyon mo lang lagi maganda. Gusto kong maging masaya ka kasi again you are very beautiful. Ang bait-bait mo sa amin kahit ang salba-salbahe namin.”

Dagdag pa ni Vice na talagang nagpaisip sa mga netizen, “Sana makasama ka pa namin. Huwag mo kaming iiwan, K, ha?”

Oo nga naman, double meaning kasi ang pahayag ng komedyante. Pero base naman sa pasasalamat ni Karylle ay wala rin naman siyang binanggit na aalis siya sa show.

“Iniisip ko ano ba ‘yung lakas ko, naiisip ko kayo. Pag tumugtog na si MOD, automatic di ba? Kasi yun din yung iniwan satin ng madlang pipol.

“Wala man sila dito ngayon, sila ‘yung lakas natin. Kasi mahirap naman sa totoo lang ang pumasok kasi nakakatakot din. Lumalakas loob ko because of all of you so thank you. Yun talaga yun,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending