Jennifer Lopez, Ben Affleck opisyal nang ‘divorced’

Jennifer Lopez, Ben Affleck opisyal nang ‘divorced’, pareho nang single

Pauline del Rosario - February 24, 2025 - 02:17 PM

Jennifer Lopez, Ben Affleck opisyal nang ‘divorced’, pareho nang single

Getty Images

IT’S official! Pareho nang single ang dating Hollywood couple na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck.

Noong January 6 pa inaprubahan ng Los Angeles Superior Court ang divorce settlement ng dating mag-asawa, pero ito ay naging epektibo noong February 21.

Ang ibig sabihin niyan, balik Lopez ang apelyido ni Jennifer.

Ayon sa dokumento, nagkasundo ang dalawa noong Setyembre kaya naiwasan ang “court fight” na pinagdaanan ng ilang celebrity couples.

Nanatiling pribado ang detalye pagdating sa pera, pero dahil wala namang naging anak ang dalawa ay hindi naging isyu ang usaping kustodiya.

Baka Bet Mo: Jomari Yllana, Abby Viduya ikinasal na sa Las Vegas kung saan din nagpakasal sina Ben Affleck at Jennifer Lopez

Noong July 2022 nang ikinasal ang Hollywood stars at taong 2024 naman nang magsampa ng divorce si Jennifer.

Ito na ang second time na naghiwalay sina Jennifer at Ben.

Kung matatandaan, naging magdyowa ang dalawa noong 2002 matapos nilang gawin ang pelikulang “Gigli.”

Noong 2003 hindi natuloy ang plano nilang pagpapakasal hanggang sa ihayag na nga nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay pagsapit ng 2004.

Pagdating ng 2021, naging laman na naman ng mga showbiz websites at vlogs ang “Bennifer” nang i-announce nila ang kanilang pagbabalikan.

Apat na beses nang ikinasal si J Lo habang ikalawa naman para kay Ben.

Naging asawa ng singer-actress ang aktor na si Ojani Noa, ang dancer na si Cris Judd at ang singer na si Marc Anthony, ang tatay ng kambal niyang anak na sina Max at Emme.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging asawa naman noon ni Ben ang aktres na si Jennifer Garner at biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Violet, Seraphina, at Samuel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending