Ben Affleck, Jon Bernthal muling bibida sa ‘The Accountant 2’

Ben Affleck, Jon Bernthal muling magpapakitang-gilas sa ‘The Accountant 2’

Pauline del Rosario - March 06, 2025 - 01:00 PM

Ben Affleck, Jon Bernthal muling magpapakitang-gilas sa ‘The Accountant 2’

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

PARA sa mga mahilig sa matitinding aksyon at misteryo, maghanda na dahil balik sa eksena ang matalinong accountant na may kakaibang galing sa labanan! 

Ang “The Accountant 2” ay ipapalabas na sa mga sinehan simula April 25, kaya markahan na ang inyong kalendaryo!

Matapos ang matagumpay na unang pelikula noong 2016, muling bibida si Ben Affleck bilang si Christian Wolff na isang henyo sa numero na hindi lang magaling sa libro kundi pati na rin sa barilan. 

Kasama niya ang walang takot niyang kapatid na si Brax, na ginagampanan ni Jon Bernthal, upang lutasin ang isang nakakabaliw na kaso.

Baka Bet Mo: LIST: 5 Hollywood films na pak na pak pang-movie marathon sa Marso

Base sa inilabas na official synopsis ng Warner Bros. Pictures, magsisimula ang kwento ng pelikula sa isang misteryosong pagpatay, kung saan nag-iwan ng mahiwagang mensahe ang biktima: “Find the accountant.” 

Dahil dito, muling magbabalik si Christian Wolff upang alamin ang katotohanan, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya nag-iisa—kasama niya ang kanyang estranged brother na si Brax na kasing-husay niya sa laban.

Habang pinapalalim nila ang imbestigasyon, makakasama rin nila ang U.S. Treasury Deputy Director na si Marybeth Medina (Cynthia Addai-Robinson). 

Unti-unti nilang madidiskubre ang isang malawakang sabwatan na puno ng panganib. 

Pero teka, hindi lang ito simpleng kaso…dahil sila mismo ang magiging target ng mga taong gustong itago ang kanilang madilim na sikreto.

Sa direksyon ni Gavin O’Connor, inaasahang magiging mas intense at puno ng aksyon ang pelikula. 

Bukod kay Ben at Jon, kasama rin sa cast sina Daniella Pineda, Allison Robertson, at ang beteranong aktor na si J.K. Simmons.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending