REVIEW: ‘Sinners’ ni Michael B. Jordan nakakatindig-balahibo

REVIEW: ‘Sinners’ ni Michael B. Jordan makatindig-balahibo, nakakikilabot

Pauline del Rosario - April 20, 2025 - 06:00 PM

REVIEW: ‘Sinners’ ni Michael B. Jordan nakakatindig-balahibo, nakakakilabot

PHOTO: Courtesy of Warner Bros.

PINATUNAYAN ng sikat na American filmmaker na si Ryan Coogler na hindi lang siya pang superhero at action.

Kaya rin kasi niyang manggulat, manakot, at mangilabot sa latest movie niya na “Sinners” na showing na sa mga lokal na sinehan.

Para sa mga hindi aware, si Ryan ang direktor ng blockbuster films na “Black Panther” at “Creed.”

Sa isang pahayag, sinabi ng direktor na kaya niya ginawa ang bagong pelikula ay para ibalik niya sa audience ang dahilan kung bakit tayo napapasigaw at napapakapit sa loob ng sinehan.

Baka Bet Mo: LIST: Mga pasabog na pelikulang paparating na sa Pilipinas simula 2025

Very true naman ‘yan dahil na-feel ito mismo ng BANDERA nang dumali kami sa special screening ng “Sinners.”

Sabay-sabay pa nga kaming napapasigaw sa gulat at hindi na makaalis sa upuan.

Tampok sa pelikula ang Hollywood heartthrob-slash-acting powerhouse na si Michael B. Jordan.

Ito na ang panlimang beses na nakipag-collab siya kay Ryan. 

Dalawang karakter ang ginagampanan niya sa movie —ang kambal na sina Smoke at Stack, na bumalik sa hometown nila para magsimula muli sa kanilang buhay. 

Pero imbes na bagong simula, literal na bangungot ang sumalubong sa kanila!

May halong spiritual horror, southern blues, at makabagbag-damdaming visuals, hindi lang basta multo ang kalaban dito.

Bilang napanood na nga namin ito, masasabi namin na ang “Sinners” ay isang fresh take pagdating sa horror.

Ito ‘yung tipong pelikula na hindi mo na alam kung kakapain mo ‘yung popcorn mo o ‘yung kamay ng katabi mo.

Cinematography pa lang, panalo na. 

Ibang level ang kulay, ang ilaw, at ang galaw ng camera na para bang kasali ka sa eksena.

At siyempre, si Michael B. Jordan, grabe siya dito. 

Isa siyang masterclass in acting –mula sa mga subtle expression hanggang sa mga intense na sigawan.

Certified na maganda ang bagong movie dahil 99% Fresh ito sa Rotten Tomatoes! 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa Hollywood Reporter, “Smart horror, even poetic at times.” 

Ang IndieWire naman, tinawag itong “Coogler’s best movie so far,” habang ang Deadline ay nagdeklara na si Jordan ay tunay na movie star material.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending