JLo nag-file ng divorce matapos magpakasal kay Ben Affleck

JLo nag-file ng divorce matapos pakasalan ng 2 beses si Ben Affleck

Pauline del Rosario - August 22, 2024 - 12:58 PM

JLo nag-file ng divorce matapos pakasalan ng 2 beses si Ben Affleck

INQUIRER file photo

MARAMI ang nag-akalang “forever” na ang Hollywood power couple na “BenNifer,” pero hindi pa rin pala.

Nag-file na kasi ng divorce si Jennifer Lopez sa Los Angeles Superior Court upang tuluyan nang makipaghiwalay sa kanyang mister na si Ben Affleck.

Ang inihain na ito ni JLo ay unang ibinalita ng TMZ website kung saan ibinunyag na naghiwalay sila nitong April 26.

Kung matatandaang taong 2000 nang unang ma-engage ang dalawa at makalipas ang ilang taon ay nag-break din.

Dumaan ang dalawang dekada, muli silang nagkabalikan at sila ay dalawang beses na ikinasal noong 2022.

Baka Bet Mo: Jennifer Lopez, Ben Affleck nagpakasal na sa Las Vegas: It’s a beautiful love story that we got a second chance…

Ang una ay isang intimate wedding sa Las Vegas at makalipas ang isang buwan ay nagkaroon naman sila ng enggrandeng wedding na ginanap sa Georgia, kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan.

Para sa mga hindi aware, ang couple ay may mga asawa na dati.

Si Ben ay ikinasal noong 2005 kay Jennifer Garner at mayroon silang anak. Nag-divorce sila noong 2018.

Si JLo naman ay tatlong beses nang nagka-asawa –una ay kay Ojani Noa na tumagal lamang ng isang taon (1997-1998), ang pangalawa ay si Cris Judd mula 2001 hanggang 2003.

Habang ang huli ay si Marc Anthony na ikinasal noong 2004 at pinakamatagal na tumagal ng sampung taon.

Si Jennifer at si Marc ay may kambal na anak.

Muntikan na ring ikasal si Jennifer sa dating fiance na si baseball player na si Alex Rodriguez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging sila noong 2017, pero hindi na nila itinuloy ang kanilang engagement noong 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending