Jomari Yllana, Abby Viduya ikinasal na sa Las Vegas kung saan din nagpakasal sina Ben Affleck at Jennifer Lopez
NAGPALITAN na ng “I do” ang celebrity couple na sina Parañaque 1st District Councilor Jomari Yllana at Abby Viduya kahapon, November 5.
Base sa Facebook post ng manager nina Abby at Jom na si Nestor Cuartero, na isa ring veteran entertainment writer at dating entertainment editor, naganap ang wedding sa A Little White Chapel sa Las Vegas, Nevada.
Ang A Little White Chapel ay sikat na sikat sa Amerika kung saan din nagpakasal ang ilang Hollywood celebrities, kabilang na riyan sina Ben Affleck at Jennifer Lopez.
Imbitado sa naganap na kasalan ang anak ni Jomari kay Aiko Melendez na si Andre Yllana at ilan pang malalapit na kaibigan ng bagong-kasal.
Bukod sa intimate wedding nina Abby at Jomari sa Amerika, muli silang magpapakasal sa 2024 o early 2025 dito sa Pilipinas.
Sa isang panayam kay Abby sinabi nitong, “Probably we’ll stay in the US around two weeks and then balik kaagad. We can’t stay away from the Philippines long because Jom has session.
“Hindi kami puwede magtagal. And then yung honeymoon namin will probably be after Christmas. The church wedding will either be in 2024 or 2025 sa Naga City where his parents got married, in Peñafrancia Church.
“We wanted Vegas, actually it’s funny kasi ang gusto namin ang magkakasal sa amin si Elvis. Kasi Jom used to say to me, ‘Can’t help falling in love with you.’ It’s going to be very simple lang. It’s just a few family members. Sa honeymoon, we were discussing either Paris or in Jerusalem,” pagbabahagi ng dating sexy actress.
Last August 20, 2023, ibinalita ni Abby sa pamamagitan ng social media na nag-propose na sa kanya si Jomari sa The Peak sa Hong Kong. At noong February 26, 2023 naman ay namanhikan si Jomari sa bahay nina Abby sa Parañaque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.