Rufa Mae Quinto tuloy ang laban kahit maraming pinagdaraanan
HINDI nawawalan ng pag-asa amg actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto sa kabila ng mga mabibigat na pinagdaraanan sa buhay.
Kamakailan ay isa nag aktres sa mga celebrities na laman ng usap-usapan dahil sa kinakaharap nitong dalawang isyu— ang mga kaso kaugnay sa kanyang pag-eendorso sa skincare company at ang umano’y hiwalayan nila ng asawang si Trevor Magallanes.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Rufa Mae ang kanyang mga larawan na may caption na, “Kaya pa”.
Agad namang bumaha ng suporta at pagmamahal mula sa mga netizens at mga kaibigan nito mula sa mundo ng showbiz ang comment section ng kanyang post.
Baka Bet Mo: Rufa Mae Quinto magbo-voluntary surrender, pwedeng magpiyansa
View this post on Instagram
Ilan sa mga nagpakita ng suporta kay Rufa Mae ay sina Jerald Napoles, Paul Sese, at Mariel Padilla.
“Kayang kaya friend!! Miss u!” saad ni Jerald.
Cheer naman ni Mariel kay Rufa Mae, “Kayang kaya… IKAW PA BA!”
“Love u ma,” sey naman ni Paul.
Maging ang mga netizens ay nagpaabot ng kanilang encouragement para kay Rufa Mae.
Ang ilan sa mga ito ay ginamit pa ang kanyang iconic lines.
“Kaya yan Ms Ruffa Mae. Goo Goo Gooooooo,” sabi ng isang netizen.
Hirit naman ng isa, “Yessssss!!!! stay that way. Marami kami na napapasmile mo. Go go go.”
Sunud-sunod nga ang mga pinagdaraanang dagok ngayon ni Rufa Mae matapos itong masangkot sa “investment scam” ng Dermacare gaya ng wais na misis na si Neri Miranda.
Kamakailan lamang ay naging laman ng mga balita si Rufa Mae matapos masangkot sa kontrobersiyal na “investment scam” patungkol sa isang skincare company, na naging dahilan kung bakit hinuli ng mga awtoridad ang “wais na misis” na si Neri Naig-Miranda.
Nangako naman ang aktres na haharapin ito dahil alam niyang wala siyang ginagawang masama at maging siya ay biktima rin ng mga bounced checks mula sa may-ari ng kumpanya.
Ilang araw makalipas ang nangyari ay kumalat naman ang mga inilabas na screenshots ng kanyang pakikipag-usap sa ibang tao na isiniwalat mismo ng asawa niyang si Trevor Magallanes at tila matagal na silang hiwalay.
Wala pa namang kumpirmasyon mula sa kampo ni Rufa Mas ang tungkol sa estado ng relasyon nila ng asawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.