Rufa Mae pinayuhan si Herlene Budol sa pagharap sa mga pagsubok: 'Tuloy mo lang yung gusto mo, follow your heart wherever you go, go, go!' | Bandera

Rufa Mae pinayuhan si Herlene Budol sa pagharap sa mga pagsubok: ‘Tuloy mo lang yung gusto mo, follow your heart wherever you go, go, go!’

Ervin Santiago |August 30,2023
facebook
share this

Rufa Mae pinayuhan si Herlene Budol sa pagharap sa mga pagsubok: ‘Tuloy mo lang yung gusto mo, follow your heart wherever you go, go, go!’

Ervin Santiago - August 30, 2023 - 07:01 AM

Rufa Mae pinayuhan si Herlene Budol sa pagharap sa mga pagsubok: 'Tuloy mo lang yung gusto mo, follow your heart wherever you go, go, go!'

Rufa Mae Quinto at Herlene Budol

LAUGH trip ang kauna-unahang collab nina Rufa Mae Quinto at Herlene Budol sa YouTube na nagpasabog ng good vibes sa mga netizens.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama ni Herlene ang Kapuso sexy comedienne sa kanyang YouTube vlog kaya naman sandamakmak na views na ang nahamig nito.

Sa nasabing vlog, nagsilbing English teacher ni Hipon Girl si Rufa Mae bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa sasalihang international beauty pageant.

Ang paandar ni Rufa Mae, isasalin niya sa English ang mga sikat na kasabihan sa Filipino pati na ang pagsagot sa mga questions na itinanong sa mga Pinay Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Gloria Diaz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)


Matapang din niyang sinagot ang tanong kay Herlene sa 2023 Miss Grand Philippines kung ano ba ang number one problem ngayon ng mga kabataan?

Hirit ng beteranang komedyana, “WiFi, iPad, gadget, e walang interaction, e. Dati kami, naabutan mo ba yung piko-piko yung sa labas, patintero? Ngayon parang wala ng ganu’n.”

Dagdag pa niya, “Okay naman ang gadget lalo yung anak ko, siyempre generation niya ‘yan, bawal mahuli sa digital. Kailangan magaling kang gamer, lahat, IT. ‘Yan ang future pero ang next kailangan din ng privacy.”

Baka Bet Mo: Rufa Mae napabayaan ang sarili, inatake ng depresyon sa US: Pero lumaban ako at kinaya ko

Sa isang bahagi naman ng vlog, muling nabanggit ni Herlene na hindi siya happy sa naging sagot niya sa Miss Grand Philippines 2023 dahil inunahan daw siya ng matinding nerbiyos.

“Ang sagot ko kasi noong nag-Miss Grand ako, kulang sa edukasyon. ‘Di ko lang nasagot nang maayos nu’n,” sabi ng “Magandang Dilag” lead star.

Sey pa ng dalaga, kung babalikan niya ang nasabing Q&A portion, ito raw ang isasagot niya, “Kakulangan sa edukasyon ang problema ng mga kabataan ngayon.

“Kaya if I were given a privilege to win this pageant, I will serve as a role model to the youth to lead them back to the right direction. Naniniwala pa rin po ako na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan,” aniya pa.

Hirit naman sa kanya ni Rufa Mae, “E ‘di, I believe that our children are our future…and the greatest love of all is to love yourself.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Personal ding humingi ng payo si Herlene kay Rufa Mae tungkol sa muling pagsali niya sa beauty pageant, “Tuloy mo lang yung gusto mo, tutal sarili mo yan. Walang pwedeng magdikta sa nararamdaman mo.

“Follow your heart wherever you go, go, go!  Basta maging mabuti ka, magdasal ka. Lahat ng bagay, ‘wag mo lang pansinin,” sabi pa ni Rufa Mae.

At tungkol naman sa mga bashers, may advice din si Rufa Mae kay Herlene, “Huwag mo nang pansinin kasi ‘di mo nga sila kilala, sino ba sila, ‘di ba?

“Kapag hitik ang bunga, maraming gustong magbato para makuha yung mga…basta ganu’n yung turo ng lola ko no’n. Pero for me, magpakita ka lang ng maganda.

“Basta huwag mo silang pakialaman. Kung may pakialam sila sa ‘yo, ‘wag mo silang pakialaman. Gumawa ka ng gusto mong gawin.

“At the end of the day, ikaw rin naman ang mag-isang uuwi, ikaw rin ang kakain ng…alam mo ‘yun. ‘Di naman sila nagpapakain sa ‘yo,” aniya pa.

“So just enjoy and go go go in life kaya go go go Philippines. Sabihin mo lagi for the tourism, hindi lang para sa bashing para ‘to sa buong mundo. Malay mo mag-compete ka rin sa ibang lugar, kumonek-connect ka du’n,” huling paalala pa ni Rufa Mae kay Hipon Girl.

Rufa Mae Quinto nilaro ang song number sa ‘All Out Sundays’, netizens tawang tawa: Let it go go go!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rufa Mae ibinuking si Robin nang makasama sa shooting: Grabe siya! Uubusin ang pera niya para sa bayan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending