Pia Wurtzbach sa mga patuloy na lumalaban sa buhay: You’ll never miss what’s meant for you
NAGBIGAY ng paalala ang Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa mga taong patuloy na lumalaban sa buhay at pilit inaabot ang kanilang pangarap.
Isang netizen kasi mula sa X (dating Twitter) ang nagbahagi ng kanyang karanasan ukol sa mga paulit-ulit na rejection sa buhay.
Ngunit sa tuwing naiisip niyang sumuko ay naaalala niya si Pia.
“Kapag di ako napilili sa campaigns or nashoshrtlist sa events or di nananalo in life in general, lagi ko iniiisip, si @PiaWurtzbach nga tatlong beses sumali ng Binibini bago nanalo e,” saad ng netizen.
Sumagot naman si Pia at ni-retweet ang post ng netizen na si Chef Gelo Guison.
Aniya, “You will never miss what’s meant for you and what’s meant for you will never pass you by.
Baka Bet Mo: Netizens abangers na sa pagbubuntis ni Pia Wurtzbach; Jeremy Jauncey tinawag na ‘best decision’ ang pagpapakasal
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Pia, “Always remember that, Gelo.”
Marami naman ang humanga sa mindset ng beauty queen magin sa pagiging mabait nito at pagiging inspirasyon sa mga taong pilit inaabot ang pangarap kahit ilang beses nang nare-reject.
“Queen [Pia] is really such an inspiration in terms of reaching your dreams. I’m hoping to live up my own dreams someday,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “What I admire about you Pi is you always choose kindness – in action and in words. As simple as this tweet may seem, it offers re-ignition and hope to the downtrodden/defeated. God bless you!”
“periodt. Pia has always been my inspo. more than the beauty and the crown, it’s her life story, perseverance, and resilience,” sey naman ng isa.
Samantala, nakatakdang maglabas ng libro ang Miss Universe 2015 sa darating na Setyembre na ukol sa women empowerment.
“Here’s a first look at the first page of my first book Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.
“It will be available in the Philippines starting this September and will be released internationally by November 2023,” lahad ni Pia.
Related Chika:
Pia Wurtzbach ready nang ilabas ang isinulat na libro, may mga pasabog nga ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.