Netizens abangers na sa pagbubuntis ni Pia Wurtzbach; Jeremy Jauncey tinawag na 'best decision' ang pagpapakasal Bandera

Netizens abangers na sa pagbubuntis ni Pia Wurtzbach; Jeremy Jauncey tinawag na ‘best decision’ ang pagpapakasal

Ervin Santiago |May 31,2023
share this

Netizens abangers na sa pagbubuntis ni Pia Wurtzbach; Jeremy Jauncey tinawag na ‘best decision’ ang pagpapakasal

Ervin Santiago - May 31, 2023 - 07:13 AM

Netizens abangers na sa pagbubuntis ni Pia Wurtzbach; Jeremy Jauncey tinawag na 'best decision' ang pagpapakasal

Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach

ABANGERS na ngayon ang madlang pipol sa pagbubuntis ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos ang pagpapakasal nila ni Jeremy Jauncey last March, 2023.

Ngayon pa lang ay excited much na ang mga fans and supporters ng TV host-actress at beauty queen sa kanyang pagdadalang-tao kahit tatlong buwan pa lamang silang naikakasal.

Feeling ng mga netizens, napakagandang bata ang isisilang ni Pia pagdating ng panahon na siguradong sisikat din daw kapag pinasok na nito ang entertainment industry o ang mundo ng beauty pageant kung ito’y baby girl.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Komento pa nga ng isang netizen, “Sure na sure ako na isa ring intelligent dyosa o super hunky guy ang magiging anak nina Pia and Jeremy! Can’t wait to see that baby!”

Samantala, pinusuan naman ng mga netizens ang appreciation post ni Jeremy para sa kanyang asawa at nag-iisang reyna sa buhay niya.

Ibinahagi niya sa Instagram ang ilang litrato nila ni Pia na kuha sa kanilang intimate wedding ceremony na nito lamang nakaraang linggo lamang nila ibinandera sa buong universe.

Baka Bet Mo: #PaskongKaySaya: Pia Wurtzbach ibinandera ang Christmas tree, netizens may ibang napansin

“Love, support and happiness is all we’ve received since we shared our wedding news- so thank you to all the friends, family and people we haven’t met yet that have been so kind,” ang bahagi ng mensahe ni Jeremy para sa kanyang wifey.

Ipinagsigawan din niya sa buong mundo na “best decision” ang pagpapakasal nila ni Pia, “We did things differently, just for us, away from stress so we could relax and be present for the moment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Jauncey (@piawurtzbach)


“Two months into married life and we’re sure it was the best decision we ever made,” sabi pa ng hunky husband ni Pia.

Sa comments section ng post ni Jeremy, marami ang nagsabing tama lang ang desisyon nila na huwag munang ipaalam sa publiko ang kanilang kasal upang mapanatili ang pagiging solemn at intimate ng seremonya.

Keribels din daw na tatlong tao lamang ang nakasaksi sa kanilang wedding dahil ang pinakamahalaga naman daw sa nasabing okasyon ay ang pagmamahalan ng groom at bride.

Ikinasal sina Pia at Jeremy noong March 23, 2023 sa isang luxurious resort sa North Island of Seychelles. Ang tatlong naging bisita sa wedding nila ay ang friend nilang videographer na si Michael Gray kasama ang partner nitong si Georgia Ma, at ang events photographer na si Nelwin Uy ng Team Pat Dy na nagsilbing official photographer sa kasal.

Jeremy Jauncey ibinandera ang paghanga kay Pia: Proud of all you are doing baby!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia Wurtzbach nilinaw ang chikang magiging judge si Jeremy Jauncey sa Miss Universe PH 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending