#PaskongKaySaya: Pia Wurtzbach ibinandera ang Christmas tree, netizens may ibang napansin
ISANG “sana all” moment na naman para sa mga netizens ang Christmas photos ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kasama ang fiancé nitong si Jeremy Jauncey.
Sa kanyang Instagram account ay ibinandera nga ng actress-beauty queen ang mga larawan nila habang magkasamang inaayos ang kanilang Christmas tree.
Kasalukuyan kasing nasa United Kingdom sina Pia at Jeremy para doon mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.
“Christmas photo dump. Enjoyed decorating this real tree with @jeremyjauncey. I think we’ll make the best Santa’s elves,” saad ng beauty queen sa kanyang caption.
View this post on Instagram
Talaga ngang napakaganda ng kanilang Christmas tree na pinagtulungan nilang lagyan ng decorations ngunit mukhang iba ang napansin ng mga netizens.
Sa isang larawan kasi na ibinahagi ni Pia ay nakayakap siya sa nakatalikod na dyowa habang nasa hagdan at abalang nagde-decorate ng Christmas tree.
“Mars yung kamay mo nasa Christmas balls,” comment ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “Miss Pia, nahawakan mo na po ang star ng noche buena.”
“Christmas balls are the best in a Christmas tree. Sa TRUE,” hirit naman ng isa pa.
Iba talaga ang humor ng Pinoy! Kahit na si Pia na nagwagi noong 2015 sa Miss Universe ay hindi nakatakas!
Matatandaang noong May 2022 nang ibandera ng actress-beauty queen sa kanyang Instagram account na engaged na siya kay Jeremy sa pamamagitan ng isang video reels.
Talaga namang maraming napa-sana all kay Pia dahil bukod sa pinagpala na siya sa dyowa ay napakaganda rin ng engagement ring niya.
Related Chika:
Pia Wurtzbach nilinaw ang chikang magiging judge si Jeremy Jauncey sa Miss Universe PH 2022
Pia Wurtzbach engaged na kay Jeremy Jauncey
Pia Wurtzbach super ‘safe’ sa relasyon nila ni Jeremy Jauncey: The best feeling for a girl
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.