Pia Wurtzbach engaged na kay Jeremy Jauncey | Bandera

Pia Wurtzbach engaged na kay Jeremy Jauncey

Therese Arceo |May 07,2022
facebook
share this

Pia Wurtzbach engaged na kay Jeremy Jauncey

Therese Arceo - May 07, 2022 - 10:06 AM

Pia Wurtzbach engaged na kay Jeremy Jauncey
KINUMPIRMA ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na engage na sila ng kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Ginulat ng actress-beauty queen ang madlang pipol nang mag-post ito sa kanyang Instagram account ng video habang pine-flex ang kanyang engagement ring nitong Biyernes, May 6.

“We found the perfect place to celebrate and tell you guys…” caption ni Pia sa kanyang post.

Nasa Amanpulo ang dalawa para sa isang bakasyon matapos ang kanilang naging busy schedule at work engagements lalo na sa nagdaang Miss Universe Philippines 2022 kung saan isa ang actress-beauty queen sa mga nag-host.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)


Bumuhos naman ang congratulatory messages ng mga netizens para kina Pia at Jeremy na pinangunahan ng kanyang mga kapwa beauty queens na sina Catriona Gray, Andrea Meza, at Harnaaz Sandhu.

“OMG congrats P!!!!” saad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Comment ni Miss Universe 2020 Andrea Meza, “Omg congratulations!”

“Woho!! Congratulations beautiful couple,” sey naman ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu.

Maging ang iba pang beauty queens na sina Miss World 2013 Megan Young at Miss International 2016 Kylie Versoza, ay hindi nagpahuli sa pag-congratulate kina Pia at Jeremy.

“So happy for you, P!!! Congratulations!!” sey ni Megan.

Hirit naman ni Kylie, “OMG!!!! Congratulations Pia!!!”

Matatandaang noong nakaraang buwan pa lang ay may kumalat nang chika na engaged na ang sina Pia at Jeremy habang nasa Switzerland.

Nag-post rin ang ina ng dalaga na si Cheryl Alonzo ng isang vlog nang bumisita ang mga ito sa London pagkagaling sa Switzerland kung saan umang nasilayan ang beauty queen na suot-suot ang diamond ring na tugma sa engagement ring na ipinakita ni Pia sa madlang pipol.

Ngunit pansamantala munang inilihim ng dalawa ang kanilang engagement dahil na rin siguro parehas silang abala sa trabaho.

Matatandaang tinanong rin noon si Jeremy ukol sa engagement nila ni Pia na hindi naman niya kinumpirma pero hindi rin niya pinabulaanan.

Related Chika:
Jeremy Jauncey ibinandera ang paghanga kay Pia: Proud of all you are doing baby!

Pia Wurtzbach nilinaw ang chikang magiging judge si Jeremy Jauncey sa Miss Universe PH 2022

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey hindi pa engaged: ‘Walang marriage proposal na nangyari’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jeremy umiwas sa isyu ng engagement nila ni Pia: I cannot comment on that, I’m afraid!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending