Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey hindi pa engaged: 'Walang marriage proposal na nangyari' | Bandera

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey hindi pa engaged: ‘Walang marriage proposal na nangyari’

Reggee Bonoan |April 17,2022
facebook
share this

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey hindi pa engaged: ‘Walang marriage proposal na nangyari’

Reggee Bonoan - April 17, 2022 - 03:35 PM

Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

“WALANG engagement party at walang marriage proposal na naganap,” ang paglilinaw sa amin ng kampo ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Kumalat kasi ang balita bago mag-Semana Santa na engaged na si Pia sa kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey dahil sa larawang ipinost nito sa kanyang Instagram account limang araw na ang nakararaan.

“All dressed up for a change on our last date night here. Don’t wanna leave…” ang caption ng dalaga sa kanyang IG post.

Nagkomento naman si Binibining Pilipinas Universe 1994 Charlene Mae Gonzales-Muhlach sa ipinost ni Pia ng, “Such a gorgeous couple.”

Hirit naman ng netizen na si cath_avery_88, “Looking forward to THAT Special announcement. Ayyeee.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)


Bukod dito ay nakitang may suot na singsing si Pia habang kumakain sila ng almusal kasama ang nanay niyang si Cheryl Alonzo Tyndall sa Marriott Hotel kasama si Jeremy at stepdad ng dalaga. Ito’y base sa YouTube channel ng nanay ni Pia na in-upload nitong Abril 12.

At ngayong araw, Abril 17 ay muling nag-upload ang Mommy Cheryl ni Pia ng bagong video sa YouTube channel nito na dinalaw sila sa kanilang bahay sa London kasama si Jeremy.

Sa nasabing video ay pabalik na sina Pia at Jeremy sa kanilang bahay at base sa takbo ng usapan nila ng nanay ay tren lang ang sasakyan nila.

“Takot ako sa maliit na plane, ‘yung short (trip) lang,” sabi sa ina.

Makikitang ikinarga nina Jeremy at Pia ang mga maleta nila sa van patungo sa train station at nangakong magkikita ulit silang mag-ina in a few months.

Tanong namin sa kampo ni Pia kung saan galing ang tsikang engaged na ang dalawa, “Netizens lang gumagawa ng kuwento.”

Anyway, ang latest post ni Pia ngayon sa kanyang IG account ay may hawak siyang bulaklak na ang caption ay, “Where flowers bloom, so does hope. Happy Easter!”

At ang nakalagay sa location niya ay Ybonita Farm and Villas na matatagpuan sa Calatagan, Batangas.

Luma ang larawang ipinost na ito ni Pia dahil base sa video post ng Mommy Cheryl niya sa YT nito ay nasa London sila at pauwi sila ng Switzerland.

Base na rin sa latest post ni Jeremy na larawan nilang magkayakap ni Pia sa kanyang IG account ay nasa Burgenstock Resort sila na ang caption ay, “What a Swiss adventure, next stop.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, ang maliwanag ay hindi pa engaged sina Pia at Jeremy na kaka-celebrate pa lang ng kanilang second anniversary.

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey engaged na raw, nabuking sa suot na bonggang diamond ring?

3 tips ni Pia para sa mga LDR couple: Laging mag-usap, honest sa isa’t isa at meron kayong mga plano

Kampo ni Ana Jalandoni balak magsampa ng 2 pang kaso laban kay Kit: ‘Masakit man itong sabihin, gusto na siyang patayin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending