Janine Tugonon problemado sa eczema ng baby: ‘Medyo frustrating na!’

PHOTO: Instagram/@tugononjanine
TILA imbyerna na Miss Universe Philippines 2012 Janine Tugonon sa skin condition ng kanyang first baby.
Ilang buwan pa lang kasi mula nang isilang niya si Madeleine Sophia ay bigla itong nagkaroon ng eczema.
Ayon sa health website na Community Health, ang eczema o tinatawag ding dermatitis ay isang skin condition na tuyo at makati na balat na ang rashes ay karaniwang nakikita sa mukha, sa loob ng siko at likod ng tuhod, at sa mga kamay at paa.
“Happy 4 months to our sweet little angel. (And 2 months sa eczema mo.. Charot [laughing emoji]),” bungad sa Instagram post ni Janine, kalakip ang ilang pictures nila ng kanyang anak.
Baka Bet Mo: Janine Tugonon opisyal nang ipinakilala ang 1st baby: Bonjour, Madeleine Sophia!
Pag-amin pa niya, “Medyo frustrating na, and mas naiiritate na siya recently. Gonna try new stuff soon. Haaayy…prayers na lang na ma-outgrow nya [folded hands, holding back tears emojis].”
“Can’t wait for her to start trying solids and purées soon [emoji],” aniya pa kasama ang hashtags na “motherhood,” “motherhood problems,” at “eczema problems.”
View this post on Instagram
Magugunita noong Nobyembre ng nakaraang taon nang manganak si Janinevia CS o Cesarean section.
Kasunod niyan ay inamin niya na mas mahirap ang magpa-breastfeed ng sanggol kaysa pa raw sa pagbubuntis at panganganak.
“Not gonna lie, I underestimated breastfeeding,” sambit niya sa nakaraang Story.
Aniya pa, “For me, it was more difficult than the pregnancy, the CS and CS recovery.”
Para sa mga hindi aware, si Janine ang itinanghal na first runner-up nang lumaban sa Miss Universe 2012 pageant na kung saan ang top winner ay nakuha ni Olivia Culpo na pambato ng United States.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.