Pia Wurtzbach sa mga walang dyowa: Trust in the universe, your time will come…
“LOVE will find its way to you.”
‘Yan ang naging mensahe ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Kahit alam nating super happy ang kanyang buhay pag-ibig, ang kanyang social media post ay para sa mga taong “single” at kasalukuyang naghahanap pa ng dyowa.
Inamin ni Pia sa isang Twitter post na ang kanyang February 14 ay hindi laging special at masaya.
Dahil diyan ay nagpayo siya na magtiwala lang sa Universe dahil darating din ang araw na darating na lang bigla ang “the one” at “forever.”
“Feb 14th wasn’t always this special and happy for me….That said, trust in the Universe. Your time will come,” caption niya.
Aniya, “Valentines day or not, love will find its way to you [blue heart emoji]”
Feb 14th wasn’t always this special and happy for me….That said, trust in the Universe. Your time will come. Valentines day or not, love will find its way to you. 😀💙
— Pia Wurtzbach | yourhighness.eth (@PiaWurtzbach) February 14, 2023
Libo-libong netizens naman ang sumang-ayon sa tweet ng beauty queen at karamihan sa kanila ay nabuhayan ng loob pagdating sa pag-ibig.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Eto ‘yung sign na hinahanap ko kahapon pa [red heart emojis] salamat Ms. Pia!”
“Mananalig ako rito at babalikan ko ito when that time comes.”
“Totally agree with you Queen P! [blue heart emojis] claiming it this year just like you are!”
Matatandaan noong 2020 nang kumpirmahin ni Pia na sila na ng Scottish businessman na si Jeremy Jauncey sa pamamagitan ng magazine cover.
Taong 2022 naman nang ma-engage ang dalawa.
Related chika:
Alex Diaz super proud sa pagiging bisexual; game na game sa mga sex scene sa ‘PaThirsty’
Angelica…patron ng mga tanga sa pag-ibig, sa wakas nanalo na: ‘Prayer reveal naman diyan’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.