Bagong hugot ni Moira tagos na tagos sa puso: 'Pano kung iwanan ko ang lahat...ta's iwanan mo lang rin ako?' | Bandera

Bagong hugot ni Moira tagos na tagos sa puso: ‘Pano kung iwanan ko ang lahat…ta’s iwanan mo lang rin ako?’

Ervin Santiago |November 15,2022
facebook
share this

Bagong hugot ni Moira tagos na tagos sa puso: ‘Pano kung iwanan ko ang lahat…ta’s iwanan mo lang rin ako?’

Ervin Santiago - November 15, 2022 - 08:16 AM

Bagong hugot ni Moira tagos na tagos sa puso: 'Pano kung iwanan ko ang lahat...ta's iwanan mo lang rin ako?'

Moira dela Torre

“PINAGLIYAB” ng Kapamilya singer na si Moira dela Torre ang social media nang dahil sa dalawang pamatay na hugot lines na ipinost niya kahapon.

Talagang sandamakmak ang naka-relate at nag-react sa mga ibinahagi niyang tanong sa Facebook na may kaugnayan sa pakikipagrelasyon.

Una niyang ipinost ang mga katagang, “Paano ba magtitiwala?” na umani nga ng libu-libong reaksyon at comments mula sa mga netizens.

May mga nagsabing hanggang ngayon daw ay mukhang hindi pa siya nakaka-move sa paghihiwalay nila ni Jason Hernandez habang sey naman ng ilan fans, baka lyrics  lamang ito sa bago niyang heartbreak song.

Kasunod nito, muling nag-post kahapon ang singer-songwriter ng cryptic message sa Facebook na mas ikinawindang ng kanyang mga socmed followers.

View this post on Instagram

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

Hugot ni Moira, “Pano kung iwanan ko ang lahat / Tas iwanan mo lang rin ako.”

Ilang oras lang ang lumipas mula nang ibahagi ito ni Moira sa FB ay
umabot na agad sa mahigit 125,000 ang reactions ng netizens, 25,000 comments, at 29,000 shares.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa FB followers ni Moira.

“Pano kung iwanan ko ang lahat tas iwanan mo lang din ako…. awit sayo ate Moira medyo sinusubukan ko na maka-move on eh pinaalala mo nanaman! Back to zero ulit WAHAHA joke abangan ko yan.”

“Trust in the Lord with all your heart Moi. God bless you always.”

“Moira You have to love and forgive yourself first, then that’s when we learn how to trust someone.There is pain and the scars will show, but you can start living again.”

“It’s okay not to trust someone, Moi. Build your self-protection to anyone.”

“Sa oras na makuha mo ang kanilang tiwala, doon ay maaari mo na ring ibigay ang tiwala mo.”

“You don’t have to kung di ka pa ready. If a person wants your trust he/she will do their best to win your trust. It’s a process, and you don’t need to pressure yourself.”

“Ang tiwala ay nawawala kapag may mali siya nagawa.”

“Paano ba magtitiwala…Don’t stick to their PROMISES, minsan ang pangako ay pagsisinungaling. Choose the best people that you will trust!”

“Ate moi Moira Dela Torre don’t force yourself kung di pa kaya. Once ready ka na mag tiwala, hindi mo nalang mamamalayan yun. I cannot blame you about this, you’ve been through a lot. Hopefully you’ll find peace in your heart and learn to trust again.”

Last September, inakala rin ng madlang pipol na ang kanta niyang “Babalik Sa ‘Yo” ay para kay Jason pero paglilinaw ni Moira, “Kanta lang ‘to. Wag marupok.”

Lolit Solis sa kaso ni Vhong Navarro: Iwanan na natin sa hustisya ang lahat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Resbak ni Sunshine sa nagsabing puro ‘tuldok’ ang kanyang face: ‘Di ka na maganda, masama pa ugali mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending