Resbak ni Sunshine sa nagsabing puro 'tuldok' ang kanyang face: 'Di ka na maganda, masama pa ugali mo | Bandera

Resbak ni Sunshine sa nagsabing puro ‘tuldok’ ang kanyang face: ‘Di ka na maganda, masama pa ugali mo

Ervin Santiago |July 11,2021
facebook
share this

Resbak ni Sunshine sa nagsabing puro ‘tuldok’ ang kanyang face: ‘Di ka na maganda, masama pa ugali mo

Ervin Santiago - July 11, 2021 - 01:23 PM

SIMPLE pero tagos na tagos ang naging resbak ni Sunshine Dizon sa isang netizen na nanglait sa kanyang face.

Matapang at walang keber na nag-comment ang basher sa litratong ipinost ng bagong-lipat na Kapamilya actress sa kanyang Instagram account.

Ayon sa laiterang netizen, hindi raw kakinisan ang mukha ng award-winning actress dahil kitang-kita raw sa litrato nito ang tunay niyang itsura kapag wala siyang make-up

“Puro tuldok yung mukha pag hindi naka make up,” ang walang habas na komento ng hater.

Hindi naman ito basta pinalampas ni Sunshine at talagang pinatulan ang kanyang basher. Sarkastiko pa siyang humingi rito ng paumanhin dahil sa kanyang itsura.

“Sensya ka na ha. Sadyang marami talaga ko freckles nasa dugo talaga namin,” simulang bwelta ni Sunshine.

At ang pangmalakasang hirit pa ng aktres laban sa basher, “Pero mas ok na pong maraming frecles kesa di ka na maganda, masama pa ugali mo.” 

Kinuyog din ng mga IG followers ni Sunshine ang naturang netizen para ipagtanggol ang aktres. Kaya ang ending, kung sino ang nam-bash siya ngayon ang binabanatan sa social media.

Isa si Sunshine sa mga local celebrities na talagang pumapatol sa bashers lalo na kapag below the belt na ang mga pinagsasabi laban sa kanya at kapag idinamay na ang pamilya niya.

Kung matatandaan, grabe rin ang natanggap niyang batikos noong nagpo-post siya tungkol sa political issue. Isang netizen ang sinagot niya na nagtanong ng, “Nagiging aktibista ka na rin po ba?” 

Ani Sunshine, “Hindi po ako aktibista, isa lamang akong ina na nagnanais ng mas maayos at payapa na Pilipinas. Tanggap ko na rin po ang bashers kung kapalit naman ay kamulatan ng mga nagtutulugtulugan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ipagdasal po natin ‘wag dumating ang panahon na kailanganin na ng ibang magsalita pero wala nang makikinig o di kaya’y lagyan din ng busal ang kanilang mga bibig. Wala pong masama maghangad ng mabuti para sa bayan,” katwiran ng aktres na mapapanood na very soon sa upcoming series ng ABS-CBN na “Marry Me Marry You” with Janine Gutierrez, Jake Ejercito and Paulo Avelino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending