Kim Chiu ipina-feng shui si Paulo Avelino: OK ang dragon at horse
IN FAIRNESS, pati feng shui ay umaayon sa itinatakbo ng magandang relasyon ngayon ng Kapamilya rumored couple na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Super busy ngayon ang tambalang KimPau dahil sa promo ng kanilang first movie together na “My Love Will Make You Disappear” under Star Cinema.
In fairness, talagang abangers na ang kanilang mga supporters na mapanood ang kanilang pelikula sa mga sinehan matapos mag-trending at mag-viral ang pak na pak nilang trailer.
Kahit todo denay sina Kim at Paulo na may namamagitan na sa kanilang dalawa, mas naniniwala ang madlang pipol na matagal na silang may relasyon.
Baka Bet Mo: Kim Chiu hindi maitago ang pagka-in love kay Paulo Avelino, kilig pa more!
Kahit nga ang mga kasamahan ni Kim sa “It’s Showtime” ay tinutukso sila palagi ni Paulo na ikinakikilig naman ng kanilang mga supporters all over the universe.
Nag-joke pa nga ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda kung kumonsulta na si Kimmy sa feng shui expert para i-check ang compatibility nila ni Pau.
“Okay naman. Napa-feng shui ko na, okay naman daw yung dragon at horse, sana magtuloy tuloy,” ang diretsahang sagot ni Kim.
Sundot na tanong kay Kim kung compatible ang kanilang animal signs, mabilis niyang sagot,”Oo!”
Ipinanganak si Paulo under the Year of the Dragon, habang si Kimmy ay isinilang sa ilalim ng Year of the Horse.
Samantala, makalipas ang halos isang dekada, magbabalik nga si Kim sa romantic comedy movie with Paulo via “My Love Will Make You Disappear.”
“Napa-O to the M to the G talaga ako. Sabi ko talaga, ‘Is this a new rom-com?’ Kasi last rom-com ko ten years ago, All You Need is Pag-Ibig.
“‘Yung marami kami. Parang bago rin nun, the year before, I did Bride For Rent so medyo matagal na rin talaga,” ang pahayag ni Kimmy sa presscon ng “My Love Will Make You Disappear” last February 19.
“It feels amazing! Yes, it’s like a breathe of fresh air. ‘Yung trailer namin parang nakaka-shock, tapos ‘yung support pa ng madlang people. Gustung-gusto ko panoorin,” aniya pa.
Sa pelikula, gumaganap si Kim bilang si Sari, isang 30-year-old na dalagang NBSB o no boyfriend since birth).
“Government employee siya. Nag-a-approve siya ng mga marriage certificates. Tapos sawi siya. Nag-a-approve siya ng mga nagmamahalan na dyowa-ers,” ani Kim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.