Feng shui expert may 'warning' kina Ria at Zanjoe

Feng shui expert may ‘warning’ kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo

Ervin Santiago |February 27,2024
facebook
share this

Feng shui expert may ‘warning’ kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo

Ervin Santiago - February 27, 2024 - 07:30 AM

 

Feng shui expert may 'warning' kina Ria at Zanjoe para tumagal ang relasyon

Ria Atayde at Zanjoe Marudo

WALA pa ring kumpirmasyon o pagdedenay na ginagawa ang engaged couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo tungkol sa chikang magiging mommy at daddy na sila.

Isa sa mga maiinit na balitang pinag-usapan nitong nagdaang linggo ay ang umano’y pagdadalang-tao ni Ria courtesy of her boyfriend and fiancé na si Zanjoe.

Kung true nga ang chikang ito, ibig sabihin mas mauuna pang magkaroon ng baby si Ria kay Zanjoe kesa sa kapatid niyang kongresista na si Arjo Atayde sa misis nitong si Maine Mendoza.

And if ever na totoo ngang pregnant na si Ria, sure na sure kaming isa sa mga tuwang-tuwa ngayon pa lang ay ang nanay niyang si Sylvia Sanchez na aminadong atat na atat nang magkaapo sa kanyang mga anak.

Baka Bet Mo: Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang ‘the one’, pero handa na nga bang magpakasal at magkapamilya?

Well, abangers na lang tayo kung kailan ibabandera nina Zanjoe at Ria ang good news na ito — kung totoo nga ang mga chika.

Samantala, ayon naman sa isang feng shui expert na nakachikahan namin recently, kasama ang ilan pang piling members ng showbiz press, okay naman daw ang Year of the Dragon para kina Ria at Zanjoe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Binasa ng feng shui consultant at traditional Chinese medicine practitioner na si Jean Yu Chua ang kapalaran ng engaged couple para sa taong ito.

Base sa mga birthdates nina Ria (Water Monkey) at Zanjoe (Water Dog), swerte ba kung ngayong 2024 sila magpapakasal? At okay ba na na-engage sila sa Year of the Wood Dragon?

“Since they both have the water elements in their birthday, ang kailangan lang nila is to focus on the communication.

“Since this year, as I’ve mentioned, kulang tayo sa water, and they have that element, so mas mabilis na nila i-facilitate yung relationship luck nila.

Baka Bet Mo: Naniniwala ka ba sa bisa ng feng shui tuwing CNY…7 celebs may patotoo!

“As long as maganda yung communication at maglalaan sila ng quality time and effort to focus on the leveling up of their relationship,” ang pahayag ni Jean.

Nauna rito, aprub na aprub naman sa premyadong aktres na si Sylvia ang wedding engagement nina Ria at Zanjoe.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ibyang kung gaano siya kasaya para sa kanyang anak. “Happy ako sobra para sa iyo Potpot @ria (red heart emoji),” ang caption ng aktres kalakip ang video ni Ria habang nasa beach.

Mensahe pa niya kay Ria, “Deserve mo yan dahil napakabuti mong anak.”

Sa hiwalay na IG post, ibinandera din ni Sylvia ang ilang pictures na makikitang magka-video call sila ng anak kasama si Zanjoe at tila ibinalita ni Ria sa kanyang pamilya na engaged na sila ng aktor.

Sa caption, inilarawan pa ng batikang aktres ang couple na “perfectly matched.”

Sey niya sa post, “My heart is overflowing with Joy [red heart emoji] Perfectly Matched (ring emojis).”

Noong February 20 nang ianunsyo nina Ria at Zanjo na engaged na sila sa pamamagitan ng kanilang social media accounts. “Forever sounds good,” ang caption ng Kapamilya actress sa litrato nila ni Zanjoe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mababasa naman sa Instagram Story ng aktor ang mga katagang, “Hi fiance.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending