Sylvia kay Zanjoe: ‘Masaya kami na ikaw naging asawa ni Ria!'

Sylvia kay Zanjoe: ‘Masaya kami na ikaw naging asawa ng anak ko!’

Pauline del Rosario - March 24, 2025 - 03:40 PM

Sylvia kay Zanjoe: ‘Masaya kami na ikaw naging asawa ng anak ko!'

Sylvia Sanchez, Zanjoe Marudo and Ria Atayde

ISANG nakakaantig na mensahe ang ibinandera ni Sylvia Sanchez para sa kanyang son-in-law na si Zanjoe Marudo.

Ito ay ipinost niya mismo sa kanyang official Instagram page, kasabay ng pagdiriwang ng first wedding anniversary ng aktor at ni Ria Atayde.

Mensahe ng batikang aktres kay Zanjoe: “Masaya kami na ikaw ang naging asawa ng anak namin na si Potpot [smiling face emoji].”

“Nakita namin kung gaano mo minahal nirespeto at inalagaan si @ria. Kaya aalagaan at mamahalin ka din namin ng Daddy Art mo,” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Sylvia hiniritan agad sina Zanjoe at Ria ng 2nd apo; ArMaine kailan kaya?

“Happy anniversary mga anak [blowing kiss, red heart emojis],” pagbati ni Sylvia sa dalawa, kalakip ang throwback video and pictures sa naganap na kasalan.

Binati rin ni Sylvia si Ria ng happy birthday at sabay sabing: “We love you both [blowing kiss emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Sa comment section, maraming kapwa-celebrities at personalidad ang bumati sa mag-asawa.

Kabilang na riyan sina Eula Valdez, Karen Davila, Christine Babao, LA Tenorio, at marami pang iba.

Kung matatandaan, noong March last year nang ikinasal sina Ria at Zanjoe sa isang civil ceremony sa Quezon City presided by Mayor Joy Belmonte matapos ma-engage ng isang buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

June 2024 naman nang ibinunyag ng couple sa publiko na magkaka-baby na sila.

Nitong Pebrero lamang nang bumandera sa social media ang naging  binyag ni Sabino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending