Sylvia Sanchez hiniritan agad sina Zanjoe at Ria ng 2nd apo

Sylvia hiniritan agad sina Zanjoe at Ria ng 2nd apo; ArMaine kailan kaya?

Ervin Santiago - February 16, 2025 - 06:30 AM

Sylvia hiniritan agad sina Zanjoe at Ria ng 2nd apo; ArMaine kailan kaya?

Sylvia Sanchez, Baby Sabino, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Maine Mendoza at Arjo Atayde kasama ang iba pang miyembro ng pamilya

HUMIHINGI agad ng kasunod na apo ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Ria Atayde at asawa nitong si Zanjoe Marudo.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media kamakailan si Sylvia sa special screening ng animated film na “Buffalo Kids” na ini-release ng Nathan Studios dito sa Pilipinas.

Dito kinumusta kay Ibyang ng media ang  unang apo niya kina Ria at Zanjoe na si Baby Sabino.

“Masaya, kaya lang hindi ko palaging nakikita ang apo ko, kasi sobrang busy kami sa promo ng movie (Buffalo Kids na showing na ngayon sa mga sinehan).

“Pumupunta lang ako every Sunday (sa bahay nina Zanjoe at Ria), katulad ngayon after nitong screening ng ‘Buffalo Kids’ pupunta kami,” kuwento ni Sylvia.

Baka Bet Mo: KathNiel muling nagtagpo sa wedding; Ria, Zanjoe ikakasal din sa church

“So, hinahayaan ko muna kina Zanjoe at Ria ‘yung anak nila, na sila ang mag-alaga. Pero once na maglakad na yan at nagsasalita na, nakakausap at nakakaintindi na, akin na ‘yan. Ha-hahaha!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo)


“Alam naman nila ‘yun at wala silang magagawa! Ha-hahaha! Kaya ang sabi ko sa kanila, gumawa agad sila, para sa akin itong si Sabino,” tawa nang tawang chika ni Sylvia.

“Gusto ko kasi ng maraming apo, kaya ‘yun talaga ang sabi ko kina Ria at Zanjoe, para makuha ko ‘yung baby nila,” sey pa niya.

Bilib na bilib nga raw siya sa pagiging hands-on mommy at daddy ng celebrity couple, “Pinababayaan ko sila, ayoko talagang makialam sa pag-aalaga nila.

“Hands-on talaga sila, lalo na si Ria. Pinaghandaan talaga niya ‘yun at hindi siya natataranta,” sey pa ng seasoned actress.

Nausisa rin si Sylvia kung kailan naman siya magkaroon ng apo kina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza na magtu-two years nang kasal sa darating na July.

Sey ni Ibyang, hindi niya tinatanong ang mag-asawa tungkol sa pagbubuntis, “Kasi nirerespeto ko ang gusto nila. Kasi kinausap naman nila ako na may time sila kung kailan nila gustong magka-baby.

“Kaya sabi ko, bahala kayo, buhay naman nila ‘yun eh. Kaya hindi ako puwedeng makialam,” esplika ng premyadong aktres.

Pero hirit ni Sylvia, “Sabi ko rin sa kanila kapag lumabas ang anak n’yo, akin din ‘yun! Ha-hahahaha!”

Sa tanong naman kung may plano na ang Nathan Studios na magsama muli sa isang acting project ang mag-asawa, “Ayaw nila, eh. At kung gusto naman nilang gumawa ng movie, sila na lang ang mag-produce.

“Para magawa nila ang gusto nilang concept, kaya bahala na sila diyan, hindi rin ako makikialam. Marami nga ang humihingi sa akin para magkasama sila sa isang project, pero hindi pa ito ang right time,” paliwanag ni Ibyang.

Samantala, para sa mga hindi pa nakakapanood sa award-winning MMFF 2024 entry ng Nathan Studios na “Topakk” nina Arjo at Julia Montes, magkakaroon ito ng special run sa UPFI Film Center Videotheque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula ang special screening nito sa Thursday, February 20, 11 a.m. at 5 p.m.. Mapapanood din ito sa February 21, 2 p.m.; February 26, 2 p.m.; February 27, 2 p.m. at sa March 1, 2 p.m.. Ang ticket ay P200 (regular) at P150 (discounted).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending