KathNiel muling nagtagpo sa wedding Nina Ria at Zanjoe

KathNiel muling nagtagpo sa wedding; Ria, Zanjoe ikakasal din sa church

Ervin Santiago |March 28,2024
facebook
share this

KathNiel muling nagtagpo sa wedding; Ria, Zanjoe ikakasal din sa church

Ervin Santiago - March 28, 2024 - 08:46 AM

KathNiel muling nagtagpo sa wedding; Ria, Zanjoe ikakasal din sa church

Kathryn Bernardo, Gela Atayde, Daniel Padilla at Joshua Garcia

PINATUNAYAN ng bagong kasal na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na solid pa rin ang friendship nila kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Parehong um-attend ang dating magdyowa sa intimate civil wedding nina Ria at Zanjoe last Saturday, March 23, officiates by Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Present sa kasal ng celebrity couple ang mga kapatid ni Ria na si Congressman Arjo Atayde, kasama ang asawa nitong si Maine Mendoza, Xavi at Gela Atayde at siyempre ang parents ng aktres na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez.

Baka Bet Mo: Zanjoe Marudo ibinandera na ang relasyon nila ni Ria Atayde, pero wala pang balak magpakasal: ‘Masyado pang maaga’

Sa kampo naman ni Zanjoe, naroon ang tatay niyang si Zosimo Marudo, at mga kapatid na sina Zosanne, Zjaye, Zaniejean, at Zandro kasama ang asawa nitong si Evangeline.

Pagkatapos ng intimate ceremony,  naganap naman ang wedding reception sa Concept Space Manila sa Quezon City.

Spotted sa venue si Kathryn Bernardo na nakunan ng litrato kasama ang kapatid ni Ria na si Gela. Ipinost ng young actress ang photo nila ni Kath sa social media.

Makikita ang cute na litrato ni Gela with Kathryn sa kanyang Instagram Story na may caption na, “Another one I missed (heart emoji) Love you, ate @bernardokath.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa ilan namang litrato na nakita namin sa X (dating Twitter) ay makikita ang pagdating ni Daniel kasama ang isa pa nilang kagrupo na si Joshua Garcia.

Baka Bet Mo: Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin ‘dating’ pero…

Ang iba pang celebrities na nakisaya sa kasal nina Ria at Zanjoe at sina Enchong Dee, Jane Oineza, RK Bagatsing, celebrity stylist David Milan, Dominic Ochoa and wife Denise Go-Ochoa, na siyang nag-make-up kay Ria.

Dumating din ang “It’s Showtime” host na si Darren Espanto, Bayani Agbayani, Eula Valdez, at Smokey Manoloto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ang nabalitaan namin, magkakaroon pa ng church wedding sina Zanjoe at Ria hindi lang masabi ng aming source kung kailan ito mangyayari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending