Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin 'dating' pero... Bandera

Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin ‘dating’ pero…

Therese Arceo |October 14,2022
share this

Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin ‘dating’ pero…

Therese Arceo - October 14, 2022 - 06:26 PM

Sylvia Sanchez ibinuko sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin 'dating' pero...

DIRETSAHAN nang inamin ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez kung ano nga ba ang namamagitan sa pagitan ng kanyang anak na si Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Sa kanyang naging panayam kay Korina Sanchez sa show nitong “Korina Interviews” ay sinabi niyang nasa dating stage na ang dalawang Kapamilya stars.

“Ang huli naming pagkikita ni Ria, nag-usap kami. Kasi hiwalay na kami ng bahay eh. Solo na siya. Sinabi niya, hindi pa raw,” saad ni Sylvia.

Aniya, hindi raw niya masabi kung in a relationship na nga ba ang dalawa dahil wala pang update sa kanya ang anak.

“Pero nagliligawan, parang nagpaparamdaman e, ganun. Hindi ko masabi na oo talaga, kasi wala pang pag-amin e. Wala pa talaga,” pagpapatuloy ni Sylvia.

Sa isa ring interview ng beteranang aktres kay MJ Marfori na uploaded sa TikTok ay inamin na nga niyang nasa dating stage na sina Ria at Zanjoe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jojo Campo Atayde (@sylviasanchez_a)

“Sabi sa akin ni Ria dating, pero hindi pa sila,” pag-amin ni Sylvia.

Kaya nga raw natatawa siya sa iba pang mga chikang lumalabas ukol kina Ria at Zanjoe gata ng tsismis na kesyo buntis raw ito o di naman kaya’y kasal na.

“Natatawa ako ‘dun sa mga lumalabas na buntis, nagpakasal. Hello ako muna ang unang akakaalam ano? Ako po nanay,” sey pa ni Sylvia.

Matatandaang may mga naunang kumalat na chika na nagkakamabutihan na nga sina Ria at Zanjoe.

Una itong naging usap-usapan nang makita ang dalawa na magkasama sa isang restaurant sa New York noong August.

Maski nga sa naging birthday celebration ng dating rumored boyfriend ni Ria na si Joshua Garcia ay makikitang magkasama ang dalawa.

Samantala, tahimik naman ang dalawa hinggil sa estado ng pagkakamabutihan nilang dalawa.

Related Chika:
Zanjoe 15 years na sa showbiz: Ang tagal na pala…mahal na mahal ko yung ginagawa ko

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?

Sylvia puring-puri sina Ria, Elijah at Iana: Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito kasi ako ang mapapahiya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending