Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng 'Misis Piggy': Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko Bandera

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Ervin Santiago |April 22,2022
share this

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Ervin Santiago - April 22, 2022 - 10:37 AM

Sylvia Sanchez at Ria Atayde

PINAIYAK ng award-winning veteran actress na si Sylvia Sanchez ang anak na si Ria Atayde sa naganap na online presscon para sa kauna-unahan nilang major project together bilang mother and daughter.

Hindi napigilan ni Ria ang pagluha nang marinig ang mga papuri sa kanya ng ina sa ipinakita niyang acting sa bagong iWantTFC original drama series na “Misis Piggy.”

“Alam ko kaya ni Ria, e. Nakita ko naman ‘yung kapasidad ng anak ko. Hindi ko naman sasabihin na magaling siya kundi siya magaling kasi ako ‘yung critic niya e. From day 1 pagpasok niya sa showbiz, nakita ko naman,” simulang pahayag ni Sylvia about Ria as an actress.

Aniya pa, “Kampante ako na kaya ni Ria kahit first scene iyakan o mabigat. Basta inisip ko na okay anak kita, si Ria, pero dito ikaw si Lani (ang karakter ng dalaga sa Misis Piggy).”

Sa kuwento ng serye, gaganap na panganay na anak ni Ibyang (single mom) si Ria na siyang tatayong pangalawang nanay ng kanyang mga kapatid (gagampanan nina Elijah Canlas at Iana Bernaldez).

Unang nagkasama sina Ria at Sylvia sa Kapamilya daytime series na “Ningning” pero hindi sila nagkaroon ng maraming eksena sa programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ria Atayde (@ria)


Nang hingan ng reaksyon si Ria sa mga papuring tinanggap mula sa ina, ito ang naging tugon niya, “As kids, you only want to make your parents proud. My mom naman has always been vocal about stuff like that. Kapag kaeksena mo kasi ‘yung co-actor mo, ‘yun ‘yung pinaka-rawest form of your emotions.”

“Personally, even with my mom, gets ko na bakit sinasabi ng tao, ‘ang galing ng nanay mo.’ I’m so blessed that I got to experience that before she goes on whatever hiatus she wants to go on. It’s nice to hear that she is proud of me and my acting,” dagdag ng dalaga.

Samantala, hindi rin naging madali para kay Sylvia ang magkaroon ng mga anak na nasa showbiz dahil ibang level din ng pressure ang kanyang nararamdaman sa tuwing may bagong projects ang mga ito.

Ipinagdiinan din ng aktres na hindi totoo ang paniniwala ng publiko na kapag ang isang artista ay galing sa celebrity family ay napapadali ang kanyang pagsikat.

“Akala kasi ng lahat kapag anak ka ng artista, easy lang na makapasok ka sa pagkaartista, na ibibigay na sa ‘yo lahat. Hindi e.

“May mga kaibigan ako sa showbiz, kaya kong humingi ng favor para sa ibang tao. Pero para kina Arjo at Ria, ayoko. Gusto ko kunin sila dahil nakitaan ng galing at ‘di dahil pinush ko,” aniya pa.

Punto pa ni Ibyang, “Mas gusto kong sabihin na mas magaling ‘yung anak ko sa ‘kin kaysa mas magaling ako sa kanila. Ganun kaming magulang.”

Bukod dito, palaging pinaaalala ni Sylvia kina Arjo at Ria na palaging bumati at rumespeto sa mga veterans stars.

“Ano ang mas nakakahiya? ‘Yung dadaan-daan n’yo yung seniors n’yo or lumapit kayo at magpakilala? Respeto. Mas mapapansin ka nu’n e, mas maa-appreciate ka nu’n,” diin pa niya.

“Kapag nahihiya kayo na hindi kayo babati na nandiyan ang seniors, mas nakakahiya ‘yung ‘di n’yo sila lalapitan. ‘Yung hiya-hiya na ‘yun, bullsh*t sa akin ang word na iyan, na ‘nahihiya po ako kaya hindi ako bumabati sa seniors.’”

Napanood na namin ang unang dalawang episode ng “Misis Piggy” sa ginanap na celebrity screening nito kahapon but that’s another story to tell. Promise!

Mapapanood na ang “Misis Piggy” simula sa April 25, 8 p.m. sa iWantTFC. Ito’y sa direksyon ni Carlp Enciso Catu.

Ria Atayde nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Joshua Garcia: I’m super comfortable with him

Ria Atayde sumailalim sa spine surgery; nagpasalamat kay Angel Locsin

Mega pinaiyak ng driver na 35 taon nang nagseserbisyo sa kanya: Hindi mo ako iniwan at pinabayaan…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending