Ria Atayde aminadong kamukha ni Zanjoe ang anak, tisoy version ng aktor
WALA pa sa plano ng mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde na ipakita ang mukha ng kanilang panganay na si Sabino, anim na buwang gulang.
Hindi naman ito ipinagdadamot ng mag-asawa sa publiko kundi gusto lang nilang magkaroon muna ng privacy ang anak pero sa mga kaibigan at kakilala naman ay ipinakikita na ito ng mag-asawa.
Sa nakaraang 59th birthday ng Padre de Pamilya ng Atayde na si Papa Art Atayde ay ipinakita sa amin ni Ria ang mga larawan ni Sabino na nasa cellphone nito at kaagad naming sabi, “ay kamukhang-kamukha ni Zanjoe, mata at labi.’ At sumang-ayon naman ang maybahay ni Z.
Ang pagiging tisoy nito ang nakuha sa mga Atayde sabi nga ng asawa ni Zanjoe, “’yung puti sa akin.”
Baka Bet Mo: Ria Atayde todo-‘work out’ habang preggy, ibinandera ang ‘strength training’
View this post on Instagram
Oo nga dahil kung naging kayumanggi si Sabino ay nakuha na nito lahat ang features ng amang Batangueno.
Hands on mom si Ria dahil mula madaling araw hanggang umaga ay siya ang nag-aalaga sa anak na kahit may yaya ang anak ay hindi pa rin niya ito iniiwan.
Maliban na lang kung may mga lakad silang hindi maiiwasang hindi puntahan tulad ng kaarawan ng daddy Art nila dahil isa rin sila sa umistima sa mga bisita at after midnight ay pauwi na rin ang mag-asawang Zanjoe at Ria.
Hindi naman nakarating ang mag-asawang Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil naiwan sila sa Amerika para magbakasyon pagkatapos nilang dumalo ng Manila International Film Festival kasama ang inang si Sylvia Sanchez na kaagad ding umuwi dahil kaarawan ng kanyang kabiyak.
Ang Time to Dance host na si Gela Atayde ay present sa party ng daddy Art niya kasama ang bunsong si Xavi na kinukulit namin kung plano rin niyang pasukin ang showbiz dahil sa edad na 17 ay 6’1 na ang height at guwapo pero umiling dahil mag-aaral muna siya at nasa Grade 12 na ngayon sa La Salle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.