Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo 'yung mga taong masasaktan at matatapakan mo? Bandera

Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?

Ervin Santiago |January 12,2022
share this

Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?

Ervin Santiago January 12, 2022 - 07:48 AM

Zanjoe Marudo, Jodi Sta. Maria at Zaijian Jaranilla

HINDING-HINDI ito-tolerate ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo ang pangangaliwa o  panloloko ng isang tao sa kanyang partner, lalo na sa mga mag-asawa.

Ito ang ipinagdiinan ni Zanjoe na gaganap bilang isang “cheater” na asawa sa bagong ABS-CBN series na “The Broken Marriage Vow” kung saan makakasama niya sina Jodi Sta. Maria as legal wife at Sue Ramirez bilang kabit.

Naniniwala ang aktor na posibleng ma-in love sa iba ang isang tao kahit meron na itong asawa o karelasyon pero maling-mali pa rin ang magloko at manloko.

“Hindi pa rin ako papabor (sa cheating). Hindi mo mapipigilan ‘yung emosyon mo e, na magkakagusto sa isang tao o ibang tao kahit may asawa ka na. Pero kung paano mo siya iha-handle, itutuloy mo ba o hindi, kailangan mo pag-isipan maigi,” pahayag ni Zanjoe sa isang virtual presscon kahapon.

Aniya pa, “Kung magiging selfish ka ba, ‘yung sarili mo lang iintindihin mo? Or ‘di ka nga tutuloy du’n pero kalbaryo naman kung nasaan ka ngayon? Nasa tao ‘yun, kung ano ang kailangan niya sa buhay.”

Sa Pinoy adaptation ng “Doctor Foster” na nagkaroon din ng Korean version (World Of The Married), gagampanan ni Zanjoe ang karakter ni David Ilustre na nagkaroon nga ng other woman sa kuwento.

Sabi pa ni Zanjoe wala pa siyang pinapayuhan na kakilala na iwan ang pamilya dahil may nakita nang iba, “Hindi ko sinasabi na you have to follow your heart. Hindi, lalo na kung may pamilya ka na, o may anak ka na, hindi ako mag-a-agree na iwan mo.

“Unang-una kong tanong, mahal mo pa ba? Kung mahal mo, e ‘di wala nang ibang kasunod na tanong ‘yun. Pero kung hindi na, ibang usapan na,” paliwanag pa ng aktor.


Inamin naman niya na pagkatapos niyang gawin ang seryeng ito, medyo naiintindihan na niya ang pinanggagalingan ng isang taong may dalawang minamahal — nang sabay.

“After ng show na ito, pwede. Posible siya. Hindi lang sa lalaki kung ‘di sa lahat ng tao. Kasi emosyon siya. Para sa akin, isa siyang emosyon na hindi mo mapipigilan. 

“Nasa sa ‘yo na ‘yung kung paano mo iha-handle o ano magiging desisyon mo sa sitwasyon na ganu’n, kung itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan mo, matatapakan mo. So, nasa tao talaga,” katwiran ni Zanjoe.

Dagdag pa niyang paliwanag sa karakter niya sa serye, “Ang goal ko kahit katiting ay maintindihan nila ‘yung character ni David, kung saan siya nanggaling at kung bakit siya umabot doon sa klase ng sitwasyon. Kasi wala naman talagang masamang tao e.

“Kumbaga ‘yung sitwasyon o experiences nila sa buhay, sa past, ‘yun ang nagiging reason kung bakit sila ganito ngayon. Hindi pwede patawarin ‘yung ganoon, lalo na sa kultura nating Pilipino. Hindi siya acceptable lalo na ‘yung nanakit,” diin pa ng aktor.

Mapapanood na ang “The Broken Marriage Vow” simula sa Jan. 24 sa Kapamilya Primetime Bida.

Zanjoe 15 years na sa showbiz: Ang tagal na pala…mahal na mahal ko yung ginagawa ko

Zanjoe, Angelica inihalintulad ng netizen sa “My Amanda”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending